Local News

Plano ng Oposisyon na Ibagsak si Duterte at Ipalit si Leni – Atty. Sabio

Kamakailan lang ay lumitaw ang mga ulat ng pagbawi ni Attorney Jude Sabio sa communicatgion na isinampa ni ya sa International Criminal Court (ICC) laban kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay sa diumano’y EJK sa ilalim ng kampanya kontra-droga ng gobyerno.

Sa kanyang pagbaligtad, may binulgar din si Attorney Sabio patungkol sa plano ng oposisyon laban kay Pangulong Duterte. Ayon kay Sabio, plinano umano ng oposisyon na ibagsak ang gobyerno ni Pangulong Duterte at ilagay sa kapangyarihan si Vice President Leni RObredo.

“They had the gall and temerity to recruit me as lawyer for alias Bikoy in order to achieve their political agenda, which is to undermine and topple President Duterte so that Vice President [Leni] Robredo would become President, and yet earlier for the cases of Matobato, I was the victim of ‘lingla’ or fraud, leaving my professional billing unpaid by them up to now… In my 25 years of practice, trabaho kong maghanap ng hustisya pero wala na akong balak diyan sa kaso na ‘yan kung ang nandiyan pa rin itong sila Trillanes at ang oposisyon na ‘yan. Wala na akong balak diyan kasi nga ang ginagawa nila nakasisira lang sa kasong iyan,” sabi ni Atty. Sabio

Binunyag din ni Sabio na si De Lima ang may pakana ng pagsasampa ng kaso laban kay Pangulong Duterte sa ICC. Ayon kay Sabio, political propaganda ito nila De Lima at former Senator Antonio Trillanes at ilang personalidad ng oposisyon laban kay Pangulong Duterte.

“Gumawa sila ng mga kalokohan laban kay Pangulong Duterte at nakita ko na ginagamit lang nila ang kaso sa ICC para sa kanilang politika at ayaw ko nang maging kasali sa ganyang katarantaduhan,” banat ni Attorney Sabio.

Source: GMA News | DWIZ

Leave a Reply

Theme by Anders Norén