Local News

PMA Hazing Victim, Pinilit Makipaghalikan sa kapwa Lalaking Kadete ng Upperclassman!

May bago na namang impormasyon na lumutang tungkol sa kaso ni Darwin Dormitorio, ang Philippine Military Academy (PMA) Cadet na pumanaw dahil sa hazing.

Base sa ulat ng GMA News, tumestigo at nagbigay ng sinumpaang salaysay ang isa sa mga kadete tungkol sa nangyari kay Dormitorio sa loob ng PMA.

Ayon sa testigo, isa sa mga kadete na sangkot sa panghe-hazing ay naghihintay sa loob ng kanilang kwarto noong Setyembre 17. Mabagal daw na pumasok si Dormitorio sa silid dahil sa nakakaramdam na ito ng sobrang pananakit ng katawan ng mga panahong iyon. Dahil daw sa mabagal na paglakad ni Dormitorio, kinuryente daw ito ni Cadet 3rd Class Julius Carlos Tadena gamit ang isang taser. Napasigaw daw si Dormitorio sa sobrang sakit, ayon sa testigo.

Tumigil lang daw sa pangunguryente si Tadena nang utusan nito si Dormitorio na halikan ang kapwa lalaeng kadete. Base sa testimonya ng testigo, tatawa-tawa pa si Tadena habang inu-utos ito.

“Cadet Tadena closed the door and ordered [another cadet] and Cadet Dormitorio to kiss each other while saying ‘l—n mo!’ and at the same time he was laughing,” sabi sa affidavit ng saksi.

Sinaktan din daw ni Cadet Rey David John Volante si Dormitorio nang gabi na iyon. Sinipa umano ni Volante si Dormitorio sa noo.

Base sa salaysay ng testigo, kinuryente ni Tadena si Darwin sa puwetan at sa ibabang bahagi ng katawan.

Noong gabi ng Setyembre 18, nakita lang daw si Dormitorio na naka-upo sa silya habang hawak-hawak ang tiyan. Matapos ang ilang sandali, nakita na nila ang kadete na nakahandusay sa sahig.

Dinala si Dormitorio sa PMA Hospital pero pumanaw din.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, mahaharap sa kasong kriminal ang mga kadeteng sina 3rd Class Cadets Shalimar Imperial, Felix M. Lumbag Jr., John Vincent Manalo, Julius Carlo Tadena, Rey David John Volante; 2nd Class Cadet Christian Zacarias, at 1st Class Cadet Axl Rey Sanopao. Pati ang mga doktor sa PMA Station Hospital na sina Capt. Flor Apple Apostol and Major Ofelia Beloy ay damay din dahil sa pagbibigay ng maling diagnosis kay Dormitorio.

Source: GMA News | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén