Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

PMA Valedictorian, Binigyan ng Bahay at Lupa ni DU30!

Nabiyayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bahay at lupa ang valedictorian ng Philippine Military Academy (PMA) Mabalasik Class of 2019 na si Cadet First Class Dione Mae Umalla sa graduation rites na ginawa ngayong araw sa Fort Del Piar sa Baguio City. Ang certificate ng bahay at lupa ay personalan na ibinigay ng Pangulo. Si Umalla ay nagmula sa Ilocos Sur at ikalimang babaeng nag top sa PMA graduating class mula noong 1999.

Nakatanggap din si Umalla ng labing-tatlong awars at ng presidential saber.

Madalas binigbigya ni Pangulong Duterte ang mga valedictorian ng PMA at ng Philippine National Police Academy (PNPA) ng house and lot.

Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito sa mga bagong graduates magsilbi ng mabuti sa bayan at ialay ang buhay kung kakailanganin.

“Serve your country well. Die for your country if it needs be… Remember the young Filipinos yet to come, the children and those who are now studying. Huwag mong kalimutan ninyo ‘yan. And if you think that the country is not run the way it is and if it will destroy your country, you should know what to do,”

Panoorin ang talumpati ng ating Presidente para sa mga nagtapos sa PMA.

Source: Inq | Manla Bulletin | Presidential Communications via ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén