Local News

Panoorin: 4 na Holdaper, Dedo ang Inabot matapos Mangholdap ng Convenience Store!

Hindi na nakaporma ang apat na kawatan at bulagta ang inabot nang makatapat nila ang mga alagad ng batas sa isang engkwentro. Katatapos lang pala mangholdap ng mga salarin sa isang gasolinahan at convenience store nang mapulbos sila ng otoridad.

“May biglang dumating na mga motor tapos nag-declare sila ng holdap. Hinawakan ako sa leeg at pinyuko na po ako. Tapos kinuha na ang mga pera namin at cellphones po,” ayon sa gasoline boy.

Nakuhanan sa CCTV ng gas station ang pagsasagawa ng holdap ng mga suspek. Ayon sa mga empleyado, hindi na sila makaimik nang tutukan sila ng baril. Kinuha ng mga suspek ang kita sa tindahan na nagkakahalaga ng P19,000 at mga cellphones.

“Tumakbo ang dalawa papunta sa akin. Kinabahan na ako kasi nakita ko na ‘yung baril. Ako ay tumakbo naman sa office namin. Pinapalabas niya ako at buksan ko daw ang kaha. Pinagkukuha ang pera,” sabi ng cashier.

Ang pangyayari ay nakita naman ng isang txi driver at agad nakapasumbong sa mga pulis.

Naharang ng mga pulis ang mga kawatan sa isang checkpoint sa may pagitan ng Motalban at Payatas pero pinaputukan pa raw ng mga suspek ang mga alagad ng batas. Dumipensa naman ang mga pulis at gumanti ng putok. Nadale ng mga pulis ang mga salarin. Positibo naman na kinilala ng mga biktima ang mga holdaper.

Maliban sa baril, nakuha rin sa mga holdaper ang mga hinihinalang shabu.

Naririto po ang reaksyon at komento ng ilang kababayan natins a sinapit ng mga kawatan.

“Good job….salot ng lipunan para dina maka perwesyo sa taongbayan….at dina makabalik sa kalye….,” sabi ni J. Mazo.

“nabawasan din ang mga tamad di mag banat ng buto di mag trabaho mga salot ng lipunan,” sabi ni A. Magsano.

“Marami pang perwesyong gawin ang mga yan kung hindi sila napatay..tama lang yan..mabawasan ang salot sa lipunan,” sabi ni J. Buenavista.

Source: Philstar | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: