Local News

PNP Chief Albayalde, Tinanggal ang Viral Police na Nanakot ng Call Center Agent at Nag-Amok sa Karinderya!

Ibinahagi ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde sa kanyang social media account ang pagpapatanggal sa puwesto ng pulis na nag-amok sa isang karinderya sa San Juan City. Kinilala ang pulis na si PSMS Arnulfo Ardales.

“Para po sa inyong kaalaman ipinatanggal ko na po sa puwesto ang pulis na nag-viral sa San Juan. Sa report sa akin, kinilala siya na si PSMS Arnulfo Ardales,” sabi ni Albayalde.

Sa video na kumalat na nang husto sa social media, mapapanood si Ardales na pinagbabantaan si Aaron Estrada, isang call center agent, dahil umano sa pagsingit ni Estrada habang bumibili ang pulis. Hindi alam ni Ardales na nakuhanan ang kanyang pagbabanta kay Estrada sa video.

Mapapanood sa video na kung paano pinaliguan ng mura ni Ardales si Estrada at kahit pa humingi na ng paumanhin si Estrada ay patuloy pa rin ang pagwawala ng pulis. Makikita rin sa video na tinangka pang isama ng pulis sa kanyang mobile si Estrada. Sa isang bahagi sa video, maririnig din ang pulis na nagsalita na “markado” na si Estrada.

Ayon kay Albayalde, patuloy pa rin na iniimbestigahan ang nangyaring insidente.

“Agad po itong nakarating sa atin kaya agad na ipinatanggal ko sa puwesto si PSMS Ardales na ngayon ay nasa District Headquarters Service Unit ng EPD,” ayon pa kay PNP Chief Albayalde.

Sa isang pahayag sinabi ni National Capital Region Police Office Maj. Gen. Guillermo Eleazar, hindi tama ang inasal ng naturang pulis .

“We should learn lesson from here. Dapat ma remind tayo na public servant tayo… Dapat hindi tayo mainit ang ulo. Hindi natin pwedeng gamitin yung pagiging nasa position natin because dun sa maling apprehension natin sa sitwasyon yun ang ating reaction,” sabi ni Eleazar.

Sabi ng police chief, ipinatawag niya si Ardales sa San Juan Police headquarters para mapgpaliwanag pero hindi ito sumipot. Mahaharap sa kasong administratibo si Ardales dahil sa inasal nito.

Source: PNP Chief Oscar Albayalde | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén