Local News

PNP-CIDG, Sinampahan na ng Kaso si Gen. Albayalde!

Isinama na sa kaso si former Philippine National Police Chief General Oscar Albayalde sa mga respondent kaugnay sa diumano’y maanomalyang anti-drug operations sa Pampanga noong 2013. Si Albayalde ang inuna sa listahan ng mga respondent sa kaso. Kasama din sa asunto ay ang 13 na pulis na tauhan ni Albayalde noong nangyari ang operasyon.

Suportado umano ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde, kaugnay ng mga alegasyong sangkot umano ang nasabing hepe sa mga tiwaling gawain habang isinasagawa ang operasyon kontra-droga sa Pampanga noong 2013.

Ayon kay Magalong, dapat umanong managot si Albayalde sa naging tangkang panghihimasok nito sa kaso ng mga tinaguriang “ninja cops” noong mga panahong nanunungkulan pa ito bilang hepe ng Pampanga Police.

“Ako po ay lubos na sumusuporta sa kanilang findings dahil halata naman talaga ho, makikita niyo naman talaga na malakas, kahit circumstantial lang, ay malakas ang kaso laban sa kaniya,” ani Magalong.

Section 3 (a) ng Republic Act o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001 ang maaaring harapin ni Albayalde.

Nanawagan din si Magalong sa aniya’y iba pang mga opisyal ng kapulisan na sangkot din sa pagre-recycle ng mga ilegal na droga na maghayag na ng katotohanan sa mga awtoridad.

“Alam niyo itong pagkaalis ni General Albayalde sa PNP, sana magbigay-linaw sa mga tao ni [Police Major Rodney] Baloyo na kanya-kanya na kayo. Wala nang ibang tutulong sa inyo kundi kayo lang, magsabi lang kayo ng katotohanan,” dagdag pa ng Alkalde.

Samantala, may opinyon din si Magalong ukol sa aniya’y ginagawang “pagsita” sa mga pulis na nakagawa ng maliliit na pagsuway nang may kasamang media, na tinawag niyang ‘dramatic”. Saad ni Magalong, sa halip umano na mamahiya ay mas maganda kung magiging inspirisyon at motibasyon ang mga police commanders sa kanilang mga kapulisan sa paggawa ng mabuti.

“Hindi ako naniniwala na magdadala ka ng maraming media tapos manghuhuli ka ng pulis na natutulog. Sisikat ka pero is it the right way? Ano strategic impact noon? Ang impact mawawalan ng tiwala ang publiko sa kapulisan.’Wag mo naman isakripisyo ang institusyon. Kaya ako hindi naniniwala sa gagawin pa nilang dramatic ang pag-inspect ng mga pulis, itataon pa nila na puro pagkakamali. Kalokohan iyan,” dagdag pa ni Magalong.

Source:
GMA News
DZMM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: