Local News

PNP-CIDG, Sinampahan ng Kaso si Leni at iba pa dahil sa “Ang Totoong Narcolist” Videos!

Nahaharap sa kasong sedisyon sina Vice President Leni Robredo, former Senator Bam Aquino, Antonio Trillanes, Senator Leila De Lim at Risa Hontiveros. Ito ay kaugnay sa pagpapalabas ng black propaganda video series laban sa pamilya ni Pangulong Duterte na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist” noong panahon ng kampanya para sa 2019 elections.

Mismong ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang nagsampa ng kaso sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga personalidad.

“I have the honor to submit herewith and requesting appropriate action…the pertinent records of investigation relative to the criminal complaint for Sedition, inciting to Sedition, Cyber Liber, Libel, Estafa, Harboring a Criminal and Obstruction of Justice,” nakasaad sa letter-complaint ng PNP-CIDG na siumite sa DOJ.

Kasama din sa reklamo sina Otso Diretso senatorial candidates Attorney Chel Diokno, Attorney Romulo Macalintal, Ex-Solicitor General Florin Hilbay, Samira Gutoc, at dating congressman Erin Tañada.

Ilang alagad din ng simbahan ang sangkot sa reklamo at ito ay sina Fr. Albert E. Alejo, Bishops Honesto Ongtioco, Teodoro Bacani Jr., running priests Fr. Robert Reyes, Fr. Flaviano Villanueva, former Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president Archbishop Socrates Villegas at incumbent CBCP Vice President Archbishop Pablo Virgilio S. David.

Sabit din si National President of the Integrated Bar of the Philippines (IBP) Domingo Egon Cayosa at ilan pang abogado.

Ang ilan sa mga respondents ay mahaharap din sa kasong cyber libel, libel, harboring a criminal at obstruction of justice.

Magugunita na lumantad sa publiko si Peter Joemel Advincula sa pasilidad ng IBP upang idiin ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte droga. Pero kalaunan ay bumaliktad ito at itinuro ang mga miyembro ng oposisyon bilang utak sa nasabing videos. Si Advincula ang nagpapakilalang si “alyas Bikoy”, ang lalaki sa videos series na nag-u-ugnay sa pamilya Duterte sa kalakalan ng bawal na gamot.

Source: Inquirer | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén