Local News

PNP: ‘Netizens, WALANG Pananagutan sa Pagpapakalat ng Pictures at Videos ng Ateneo Bully!’

Itong nagdaan na araw ay naging mainit ang mundo ng social media sa Pilipinas dahil sa isyu ng isang Ateneo student na nambugbog ng kapwa nito mag-aaral. Sa gitna ng kontrobersiya, nanawagan ang Ateneo de Manila University sa publiko na huwag ng ibahagi at mga videos ng nasabing insidente. Dahil dito, lalong nag-init ang mga kababayan natin at ikinalat ng husto ang mga litrato ng batang suspek at ang video ng pambubogbog nito sa kawawang biktima. Pati ang family picture ng nasabing 14-anyos na salarin ay ikinalat na rin. Ayon sa mga netizens, ito ang paraan nila para bigyan ng kamalayan ang nakararami tungkol sa isyu ng bullying.

May ilan tayong mga kababayan at mga pulitiko na kumukundena sa pagpapakalat sa larawan ng batang salarin. Pero sa isang pahayag, nilinaw ng Philippine National Police Anti-Cyber Crime Group (PNP-ACG) na hindi mananagot ang sinuman na nagpapakalat sa video at larawan ng basagulerong Atenista. Paliwanag ng kapulisan, kung ang larawan ay nakuha sa social media, ibig sabihin ito ay para sa public consumption.

“With regard to the family picture, we presume that it was taken from their social media account. And if you post anything in the social media, then that is considered as if it is for the consumption of the public,,” sabi ni ACG Cybercrime Group director Chief Superintendent Marni Marcos Jr., base sa mensahe na ipinadala ni PNP Spokesperson Chief Superintendent Benigno Durana, Jr.

Dagdag pa ng opisyal, hindi rin daw masasabing iligal na nakuha ang mga litrato dahil ang mga social media platforms ay open source sa cyberspace.

Panoorin ang kaugnay na ulat patungkol sa pagkaka-dismiss ng batang basagulero sa Ateneo.

Inayunan naman ng ilang netizens ang pahayag ng kapulisan tungkol sa pagbabahagi ng videos at larawan ng batang salarin.

Source: GMA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén