Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

PNP, Pumalag sa Ateneo Policy Center Kontra “War on Drugs”


“They’re not the proper body or authority to say that it is unconstitutional or not. Hindi po sila ang Supreme Court. Hindi sila ang Kataas-taasang Hukuman dito sa Pilipinas. So, hindi po sila ang pwedeng magsabi if it’s unconstitutional or not.”

Ilan lamag ang mga ito sa naging apela ni Philippine National Police (PNP) General Oscar Albayalde, matapos ang naging pahayag ng Ateneo Policy Center na bumabatikos sa kampanya ng pamahalaan na “War on Drugs”, kung saan inilabas ng Ateneo Human Right Center (AHRC) ang resulta ng kanilang pag-aaral na umano’y lumabag sa Konstitusyon ng Pilipinas ang nasabing “Oplan Tokhang” ng Gobyerno.

Ayon kay Albayalde, bukas umano ang PNP sa mga posibleng imbestigasyon ng Unibersidad sakaling gustuhin nitong maging mas balanse ang isinasagawang pag-aaral, bagama’t hindi sila direktang nakatanggap ng imbitasyon mula sa mga ito upang kuhanin ang panig ng pulisya.

“Pangalawa po doon, that is voluntary in nature. Remember ‘yung Tokhang, sabi nga eh, paulit-ulit po natin na sinasabi na ito ay voluntary in nature. Wala pong ginamit na puwersa rito. At wala pong namatay because of Oplan Tokhang. These all surrendered. Nag-surrender sila for rehabilitation,” dagdag pa ng PNP Chief.

Handa umano ang PNP na makinig at hikayatin ang ilan pang sektor na nagmamalasakit na tulungan ang Philippine National Police sa laban nito kontra ilegal na droga.

“What we are open here, they might have something here that we do not know. We are open for suggestions. We have no monopoly of intelligence here. We have no monopoly of strategies here,” saad ni Albayalde.

“We are open to suggestions that could improve, number one, our law enforcement, ‘yung aming pagtataas ng standard namin, and of course how we enforce the law. Malay natin mayroon silang bright idea? Remember they are in the academe,” pahayag pa ng Hepe ng Pulisya.

Source:
PTV
GMA News via MSN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén