Local News

Poe, Hinamon ng Ret. Journalist na Imbitahin sa Senate Hearing sina Erwin Tulfo, Mel Tiangco, atbp!

Kamakailan lang ay nagpahayag si Senador Grace Poe ng plano nitong magsagawa ng senate hearing ukol sa prangkisa ng ABS-CBN na nahaharap ngayon sa masalimuot na quo warranto petition at posibleng pagkapaso.

Hindi naman hinayaan ng retiradong mamamahayag na si Jay Sonza ang pagkakataon para hamunin ang senadora. Sa kanyang social media post, nagbigay si Sonza ng listahan ng personalidad na dapat umanong imbitahan ni Senadora Poe kung gusto nitong malaman ang “kabalastugan” ng media network.

“Kung talagang serious kang malaman ang mga kabulastugan ng abs-cbn Sen. Grace Poe- Llamanzares, imbitahin mo ang mga sumusunod na resource persons:
1. Mel Tiangco
2. Angelique Lazo
3. Ruth Abao
4. Izza Reneva-Cruz
5. Erwin Tulfo
6. Jay Sonza
7. Korina Sanchez-Roxas
8. Gel Santos-Relos
9. Group 103 forcibly terminated cameramen, cablemen, lightmen, vtr men, driver.
10 Group 457 forcibly dismissed employees.
11. Group 209 forcibly retired employees.
12. ten thousand employees without mandatory social amelioration coverage,”
sabi ni Sonza.

Si Sonza at Tiangco ay naging host ng dating programa ng ABS-CBN na “Mel and Jay”. Naharap ang tandem sa isyu nang suspindihin ng ABS-CBN si Tiangco dahil sa paglabas ng mamamahayag sa isang detergent commercial na walang permiso ng network noong 1995. Dahil sa nangyari, nagbitiw si Sonza bilang host ng programa nito, habang si Tiangco naman ay nag indefinite leave.

Nagtambal muli ang dalawa sa GMA Network sa bago nilang programang pinamagatang “Partners Mel and Jay” noong 1996.

Hindi naman pinalampas ng ABS-CBN ang ginawa ng dalawang mamamahayag at sinampahan ang mga ito ng kaso na umabot pa ng korte suprema. Kalaunan ay pinaboran ng korte sina Sonza at Tiangco.

Noong nakaraang linggo ay naging laman ng balita sa mga pahayagan, news program at social media ang paghahain ni SOlicitor General Jose Calida ng quo warranto petition para ipabasura ang prangkisa ng ABS-CBN. Ayon sa opisina ni Calida, nakitaan nila ng pang-aabuso ang ABS-CBN sa prangkisa nito.

Source: Jay Sonza | Philstar | PEP | PEP

Leave a Reply

Theme by Anders Norén