Local News

Polytechnic UP Student at NPA Officer, Arestado! Nahulihan ng Pampasabog!

Himas rehas ang bagsak ng estudytante ng Polythechnic University of the Philippines (PUP) na si Nadeline Fabon. 21-anyos, nang maaresto ito ng mga otoridad nitong Linggo (Hulyo 28). Kasamang nadakip ni Fabon si Reynaldo Malaborbor. Nakuha sa dalawa ang mga hindi lisensiyadong mga armas at pampasabog.

Ayon sa otoridad, si Malaborbor ay wanted at may arrest warrant dahil sa kasong illegal possession of firearms sa bayan ng Infanta, Quezon. Nagsisilbi umanong intelligence officer ng New People’s Army (NPA) si Malaborbor.

Si Fabon naman ay isa umanong NPA “political instructor” at tumutulong sa pangingikil ng revolutionary taxes.

Kakasuhan sina Fabon at Malaborbor ng illegal possession of firearms.

Pinabulaanan naman ng Bagong Alyansang Makabayan Spokesperson Casey Cruz ang akusasyon sa dalawa. Ayon kay Cruz, mga organizers lang ang mga ito ng mga magsasaka. Ang Bagong Alyansang Makabayan ay isang makakaliwang grupo.

“They were there as volunteers to help farmers cope with the effects of dry spell,” sabi ni Cruz sa isang panayam.

Sa isang social media post, binanatan naman ni Army Officer Harold Cabunoc ang makakaliwang grupo at mga NPA sa sinapit ng estudyanteng si Fabon.

“Kilalanin si Nadeline Fabon, ang arestadong amasona ng NPA.

Pinag-aral ng mga magulang sa unibersidad ng bayan, polisiya ng gobyerno, ang matrikula ay libre.

Kinaibigan ng ‘youth organizers’ ng CPP-NPA-NDF, ginalit, sinama sa rally, at kalauna’y isinama sa ‘community immersion’ sa bundok namamalagi.

Nagising na lang sa katotohanang pinasampa na sya sa teroristang NPA. Akala ng mga magulang, ang pamumundok ay bahagi sa subject sa PUP.

Nang naaresto, sabi ng KARAPATAN, GABRIELA, at KABATAAN ay kasalanan na naman ng pulis at militar dahil ang bata daw ay inabuso at inapi.

Kung kontrahin at ibulgar ang kanilang ugnayan sa NPA, ang mga komunista ay parating sumisigaw ng ‘red tagging’ na pabebe.” banat ni Cabunoc.

Source: Inq | Abante | Army Officer Harold Cabunoc

Leave a Reply

Theme by Anders Norén