Local News

Pondo ng Bayan, Ginagamit sa mga Trolls? Lacson, Bumoladas Matapos Makatikim ng Batikos!

Kamakailan lang ay umangal si Senador Ping Lacson tungkol sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kailangan magbayad ng Estados Unidos upang ipagpatuloy ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

“I would like to put on notice if there’s an American agent here, that from now on, you want the Visiting Forces Agreement done? Well, they have to pay. It’s a shared responsibility, but your share of responsibility does not come free. Because after all, when the war breaks out, we all pay. You, kami, we are nearest to the garrison there where there are a lot of arsenals of the Chinese armed forces… Kaya tandaan nila ‘yan. I hope they would understand that we are a nearest to a theater of war. Ang banatan diyan it could be submarines and aircraft carriers and all. Madadamay talaga tayo. I do not want to participate in any adventure of that kind, if I can help it. I am not against the Chinese, neither am I a — ako, hindi ako pro-American. I am just a Filipino government worker working for the interest of my country,” paliwanag ni Pangulong Duterte.

Ayon sa senador, astang “extortionis” daw ang sinabi ni Pangulong Duterte.

“Dear Sam,
This is refers to the statement, “You want the VFA? You have to pay”.

Just to clarify, please be informed that we are not a nation of extortionist, at lalong hindi kami ‘mukhang pera’. Err… hindi lahat.

Shamefully,
Juan” patutsada ni Lacson.

Dahil sa boladas na ito ni Lacson, hindi napigilan ng ilang tagasuporta ni Pangulong Duterte na rumesbak sa kaniya.

“For Your Information.
Sa mga ginagawang isyu iyong tinuran ni Mr. Duterte na bayad muna ang USA bago VFA exercises, huwag kayong pa-bobo.
Dati ng nagbabayad ang America ng UPA/Rent sa Pilipinas, panahon ng Clark at Subic.
Tandaan natin lahat ng ikinikilos ng US at may pansariling dahilan at pakinabang.” – Jay Sonza, retired journalist.

“Ping Lacson and Madumb singing the same tune on the issue of VFA versus PRRD…
Uncle Sam must be very proud of you two.” – Mark Lopez, Radio host

Hindi naman matanggap ni Lacson ang mga batikos na ipinupukol sa kaniya ng mga Duterte Supporters. Kaya sa isang social media post ay nagsalita ito tungkol sa mga trolls na binabayaran gamit ang pondo ng bayan.

“Those who disagree with me using reason, I engage to discuss the issue at hand. Trolls can easily be spotted – they are impertinent, irrational and senseless. Sadly, some troll farms are being funded by taxpayers’ money,” kuda ni Lacson.

“Sa mga troll farms at pre-campaign propaganda ba napupunta ang buwis natin?” dagdag pa ng senador.

Source: Ping Lacson | Archive | PCOO | Inquirer | Mark Lopez

Leave a Reply

Theme by Anders Norén