Local News

Pondo sa Anti-Communist Task Force, Aprubado na sa Congress Bicam!

Nanatiling buo ang panukalang P19 bbilyong pondo para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang anti-communist task force na binuo sa ilalim ng DUterte Administtration.

Naaprubahan ang pondo sa kabila ng pagtutol ng mga makakaliwang kongresista mula sa Makabayan Bloc. Magugunita na mariing tinututulan ng Makabayan Bloc ang pondo para sa NTF-ELCAC. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nanggagalaiti daw ang Makabayan Bloc dahil sa nangyaring pag-apruba sa pondo. Matatandaan na inaalmahan ng mga nasabing kongresista ang pag konekta sa kanila ng NTF-ELCAC sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

“The people are suffering up until now over the militarist solutions of the government against the virus… The government should not abandon the Filipinos to combat the pandemic by themselves while the Duterte administration is busy consolidating its draconian rule,” boladas ng Makabayan Bloc.

Magugunita na sa pinakahuling public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagbabala ito sa mga miyembro ng Makabayan Bloc.

“Now kayong lahat diyan, you are a communist. Communist sabi ninyo… You cannot be accused now of being just a mere communist member because the Anti-Subversion Law has been abrogated. Well, you are — you got it all wrong because the Communist Party is still fighting against the government. Hindi nga — nawala na ang Subversion Law but you are committing murder, arson, lahat na and rape. These are serious offenses under the Revised Penal Code… At itong inyong ano organization, simply communist, all of you, alam mo the act of one is the act of all. Ano ang sa — anong ginawa ni — ng mga sundalo ninyo pagpatay ng barangay captain? The act of a soldier NPA, is the act of Zarate, a congressman…. Well, I’m trying to sort out what we will do to you because you are now criminals and I said I have pointed out we are not only tagging you. That’s a light… We are identifying you and we will identify you anytime you want. But there will be a time before my [term ends], I will name all of you, kayong lahat sa NDF pati who are in,” babala ni Pangulong Duterte.

Source: GMA News | ABS-CBN | Archive | PCOO

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: