Local News

Porke ikaw si Darna, Hindi ka na Magsisinungaling! Parlade, may Patama kay Angel Locsin

Nitong nagdaang mga araw ay naging laman ng balita ang pagbubunyag ni Lt. General Antonio Parlade at ng dating New People’s Army (NPA) cadre Jeffre Celis na kasama sa armadong pakikikibaka ang kapatid ni Angel Locsin na si Ella Colemenares.

“Alam ito ni Angel Locsin kasi noong sometime around 2006, noong bumaba iyan si Ella at cinontact namin dito sa national operation command sa Cavite. Humihingi kami ng tulong kasama si (Ella) sa kanyang kapatid na si Angel Locsin. Nag-withdraw pa nga iyan ng 20,000 sa atm sa BPI sa Timog Ave. Alam ko na siya si Angel Locsin, alam namin marami kaming nakakakilala sa kanya. Alam namin na hindi talaga Angel Locsin ang pangalan niya, Colmenares talaga siya,” paglalahad pa ni Eric.

Ang mga akusasyon ay agad pinasinungalingan ni Locsin. Iginiit ng aktres na hindi NPA ang kaniyang kapatid.

Ayon sa aktres, dahil sa daw sa red-tagging ay nangangamba na raw siya sa kaligtasan ng kaniyang sarili at pamilya. Pinag-aaralan na raw nila kung sasampahan nila ng kaso si Paralde.

“I never associated myself with the NPA. He (Lt. Gen. Parlade) associated with the NPA… Bakit hindi po nila kami idinemanda kung sure na sure sila? Pero hindi eh, ang gusto nila ay sirain kami sa social media. So wala kaming choise eh. Kino-condsider na ng legal team ko ang pagdedemanda, ” sabi ni Locsin.

Sa pinakahuling pahayag ni Paralde, sinabi naman ng army officer na hindi porke artista ay parati ng tama.

“Ang celebrity, ang daming naakit niyan. We have to debunk claims na porke ikaw ay isang artista, palagi ka na lang tama. Porke ikaw ay si Darna, hindi ka na pwedeng magsinungaling,” sabi ni Lt. Parlade

Source: News5 | DHRH iva Kabos | DZAR

Leave a Reply

Theme by Anders Norén