Local News

Bida sa Avengers: End Game, Ginamit ng Otso Diretso sa Pangangampanya!

Pag panahon ng eleksyon, asahan ang sari-saring pakulo mula sa mga kumakandidato. Mula sa pagkanta hanggang pagsayaw ay gagawin para makamit ang boto ng mga tao.

Iba naman ang gimik ng mga pambato ng Otso Diretso. Sa kanilang photo-ops, nagpakita sila ng banners kung saan mga mukha nila ang nakalagay sa mga sikat na superhero characters ng pelikulang Avengers: End Game. Nakalagay pa sa banner ang salitang, “Avenge Our Future”.

Umani ng iba’t-ibang uri ng reaksyon ang paggamit ng mga kandidato ng Otso Diretso sa kasikatan ng pelikula sa kanilang pangangampanya.

Ito po ang ilang kwelang komento mula sa mga kababayan natin.

“ANONG PINAGGAGAGAWA NYO????!!! 🤡🤡🤡?” sabi ni K. Rosales.

“Endgame katapusan nyo na nga hnd na kasi kayo mananalo hahaha,” sabi ni B. Pasoquen.

“Nasira nyo imahe Ng avengers mga alagad Kayo ni thanos tawag sa inyo mga hipopothanoz mananaba Kayo Kaka corrupt pagnanalo Kayo Kaya pwede please Hindi Kayo avengers ikakasira Ng MCU Ang itsura nyo,” sabi ni B. Batutista.

May isang netizen naman ang hindi nagustuhan ang ginawa ng mga kampo ng Otso Diretso.

“Disney Marvel Studios Marvel Just reporting a few officials running as Senators within the Philippines. People who doesn’t have any idea what copyrighting means. Also, using your characters and designs for their own propaganda.,” sabi ni J. Victorino.

Source: Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén