Local News

Pres. Duterte, Top 1 sa “2019 Most Admired Men in the Philippines”!

Nanguna sa isang international poll si Pangulong Rodrigo Duterte para sa “most admired man” sa Pilipinas ngayong 2019.

Ang naturang poll ay isinagawa ng global public opinion and data company na YouGov.

Sa survey ng Yougov, nanakuha si Presidente Duterte ng 19.39% admiration score.

Ang sumunod kay Pangulong Duterte sa survey ay sina Roman Catholic Leader Pope Francis, action star Jackie CHan, boxing icon Manny Pacquiao, hollywod star Keanu Reeves at Ang Probinsyano Actor Coco Martin.

Ang nanguna naman para sa most admired woman of 2019 sa Yougov ay si Kapamilya Actress Angel Locsin. Sinundan naman ito nila co-kapamilya talent Anne Curtis, hollywood actresses na sina Angelina Jolie, Gal Gadot at Emma Watson, Queen Elizabeth II, Oprah Winfrey, singer Taylor Swift, AMerican talkshow hopst Ellen Degeneres at Kapuso actress Marian Rivera.

Sa isang social media post, binulalas ni Locsin ay kanyang papasalamat sa pagkakasama niya sa listahan ng most admired people ng Yougov.

“Hindi po ako naniniwala…pero kung totoo man, maraming salamat po,” sabi ni Locsin.

Ang Yougov ay isang data analytics firm, na may headquarters sa United Kingdom, at may operasyon sa Europe, North America, the Middle East at Asia-Pacific. Itinatag ang kumpanya noon pang 2000. Base sa impormasyon sa website ng Yougov, hinahango nila ang kanilang ratings sa popularidad at kasikatan. Milyon-milyong tao din ang sumsagot sa survey nila. Ginagawa ng ang survey ng Yougov sa pamamgitan ng internet.

“YouGov Ratings measures the popularity and fame of anything and everything, based on millions of responses from the public,” base sa ulat ng Philstar.

Ang mga pasadong marka ay hindi na bago sa DUterte Administration. Sa katunayan, sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, nakakuha ng eight out of 10 trust and approve the performance si President Rodrigo Duterte.

Ayon sa MalacaƱang, hindi na bago sa kaila ang pananatili ng magandang grado ng Presidente.

“Not surprising. It keeps on increasing, simply because the President is a very transparent leader, his political will shows in every measure or step he has undertaken,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Source: Philstar | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén