Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

President DU30, Itinalaga na si Leni bilang Co-Chair ng Anti-Drugs Committee!

Sa memorandum na may petsa na ika-31 ng Oktubre, itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Vice President Leni Robredo na co-chairperson ng the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Base sa morandum, magsisilbi si Robredo bilang ICAD vice chair hanggang sa katapusan ng termino ni Pangulong Duterte, maliban na lang kung bawiin ito ng Presidente.

Nagbigay na rin ng direktiba si Pangulong Duterte sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), Dangerous Drugs Board (DDB) at iba pang ahensiya na nagpapatupad ng batas na suportahan si Robredo upang sa ganoon ay magtagumpay ang kampanya kontra-droga.

Kinumpirma din ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagkakatalaga kay Robredo. Ito daw ay pagpapakita ng sinseridad sa alok ni Pangulong Duterte kay Robredo. Ayon pa kay Panelo, cabinet rank position ang pwesto ni Robredo.

“The Palace wishes to announce that the President has officially signed the paper which designates Vice President Leni Robredo as the Co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). A copy of the said designation paper will be released to the media in due time.

Members of the political opposition have been issuing demands relative to the President’s offer to the Vice President to head the government’s campaign against illegal drugs, alleging that the same is a ruse manufactured by this Administration to discredit the latter…

…With this development, the Palace supposes that detractors and critics will finally see the sincerity of the President in making such offer to the Vice President and understand that the Chief Executive’s ultimate motivation in making the same is the welfare of the Filipino people, with the hope that the government be successful in combatting the atrocity caused by the use and trade of illegal narcotics, regardless of who greatly contributed to such success.” sabi ni Panelo.

Naririto po ang reaksyon ng ilang kababayan natin sa ginawang hakbang ni Pangulong Duterte.

“The possible intent of the designation is to check the capabilities of VP in contrast to her critizations against PDD. Kase nga namn panay criticizations ginagawa nya baka naman me alam xang better way how to do it. Eto ang tinatawag na gisa sa sariling mantika if hindi nya magawa kumbaga “walk the talk,” sabi ni J. Garcia.

“Not satisfied to the president dealing with drug lord now its ur turn to work for it and lets see if u can make it,” sabi ni M. Gaffud.

“Hahaha tingnan natin ang dilaw kung gano cla kagaling puro cla satsat ewan ko babaha na naman ang shabu sa kalsada nito….. Wala nang krisis sa shabu……,” sabi ni D. Garcia.

“Naku patay na tyu lalo jan sya n nga mismo ang nagsabi parang hindi nya kakayanin naku yari Ka ngayon robredo masyado kang nagmamagaling kung si president duterte nga na nakontrol ang war on drugs sa Davao minaliit nyu pa tas pabida ka anyare,” sabi ni E. Domingo.

“Itong si leni lugaw kasi imbis na kumuda ng kumuda at magpa epal sana tumulong na lang sya sa government kung pano masolusyunan yung problema di yung dagdag din sya sa problema..cooperation na lang kasi..sayang lang pinasasahod sayo ng taumbayan kung puro ka pa bida bida..si jollibee ka ba?,” sabi ni J. Gardose.

Source: MUB |GMA News | Office of the Presidential Spokesperson

Leave a Reply

Theme by Anders Norén