Local News

‘President Must be Protected at All Times’ Richard Gomez, Dinepensahan ang Pagbabakuna ng PSG!

Nitong nagdaang mga araw ay pinalaki ng ilang personalidad ang isyu tungkol sa pagpapabakuna ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) ng anti-covid vaccine na hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration (FDA). Magugunita na ibinahagi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapaturok ng PSG ng bakuna noong Disyembre 2020.

Matapos ang ikuwento ni Pagulong Duterte ang pagpapabakuna ng PSG ay may ilang politiko ng gustong magsulong ng imbestigasyon sa nangyari. Tulad ni opposition senator Franklin Drilon at mga miyebro ng Makabayan Bloc sa kongreso. Nagbanta naman si Pangulong Duterte na magkakaroon ng krisis pag ipipilit ng mga mambabatas na ipatawag ang PSG para imbestigahan sa kongreso at senado.

“And I would like to call on Congress na hindi naman ako nakikiusap. Ang ano ko lang diretso na salita na do not tinker with the PSG. I’m telling you as President it’s a matter of self-preservation.

So hanggang diyan na lang ako. I will not elaborate on it but do not force my hand to meddle into this affair because maybe I will not — I am not so keen about allowing Durante and the rest of the PSG to testify.

Ginawa ito nila as I understand para sa kapakanan ng buhay nila. So if they will be called — if they will be called to testify in Congress, my — as a lawyer, I will just tell them because they are now being accused and with the accompanying statement of prosecution and things like that.

And if that is the case, then I would ask the PSG to just shut up. Do not answer. Invoke the right against self-incrimination at wala kayong makukuha. And do not force my soldiers to testify against their will. At huwag ninyong i-contempt-contempt na i-detain ninyo. I do not think it will be good for you and for me. It would not be healthy for everybody,” banta ni Pangulong Duterte.

Dinepensahan naman ni Ormoc City Mayor Richard ‘Goma’ Gomez ang pagpapabakuna nbg mga miyembro ng PSG. Ayon kay Gomez, hindi niya maintindihan kung bakit ginawang isyu ang magandang layunin ng mga PSG na protektahan si Pangulong Duterte.

“I don’t understand some people why they make it a big issue. The President should be protected at all times. The security people of our President will have to be Covid free. That’s why kung may vaccination for them, let them be the first one, let the President be the first one to get the vaccine kay siya ang Presidente at kinsa man magbantay sa Presidente?

Daghan man reklamador, sa una when Covid came to Philippines daghan reklamo ngano gi-testing man sila, ngano sila ma una, it’s the same thing with the vaccine. Time will come lahat tayo mahatagan og vaccine. Again, let us protect those who needs protection right now and the President is the number one priority,” sabi ni Gomez.

Source: Mindanao Daily Mirror | DWIZ | PCOO | UNTV

Leave a Reply

Theme by Anders Norén