Local News

President Sara at Vice Pres Rody, Lumabas sa Pre-Election Survey!

Base sa katatapos lang na pre-election survey na ginawa sa Visayas at Mindanao, lumabas na nangunguna para maging Presidente ay si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio (35%) habang ang kanyang ama na si Pangulong Duterte (11.6%) ay napipisil bilang bise-presidente nito.

Ang independent and non-commissioned survey ay isinagawa nito lamang kalagitanaan ng Nobyembre 2019 sa 2,000 rehistradong botante. Inilabas ito ng political consultancy firm na PUBLiCUS Asia, Inc. Habang VOX Opinion research naman ang nagproseso ng mga datos.

Pumangalawa kay Mayor Sara si Senadora Grace Poe-Llamanzares (11%). Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Francis “Isko Moreno” Domagoso (7.8%). Sumunod kay Isko ay si Senator Manny Pacquiao (5.5%). At nasa pang-lima at pangim naman sina House Speaker Alan Cayetano (4.6%) at Senator Bong Go (4.5%).

Para naman sa pagka-bise, nasa itaas ng survey ang kasalukuyang Presidente na si Pangulong Duterte (11.6%) at sinundan ng kanyang anak na si Mayor Sara (11.5%). Si Isko ay nasa ikatlong pwesto (9.05%). Habang si Cayetano ay nasa pang apat (8.85%).

Sa ating batas, ang isang termino ng presidente ay may anim na taon at hindi na pwedeng tumakbo muli sa pangalawang pagkakataon ang naging presidente na. Pero maaari itong tumakbo sa ibang pwesto, tulad ng nangyari kay ex-president Gloria Macapagal Arroyo na noong matapos nitong maging Pangulo ay tumakbo bilang kongresista at nanalo.

Magugunita na ilang besses na rin sinabi ni Pangulong Duterte na tutol siya na maging Presidente ang kanyang anak na si Mayor Sara.

“Sinabi ko talaga: huwag kang pumasok diyan sa presidente na ‘yan. Wala kang makuha diyan… For as long as there are parasites and there are leeches and there are people who can be (bought), people bereft or totally bankrupt of their principles in life… It could be the media, they will destroy you. And it could be the other people who’d think every day how to get rid of you,” sabi ni Pangulong Duterte.

Source: Manila Times | Philstar

Leave a Reply