Local News

President Trump, Na-impeached sa US Congress!

Mayorya sa United States House Representative ay bumoto para i-impeach si US President Donald Trump dahil umano sa pag-abuso sa kapangyarihan nito. Inaprubahan ng House ang dalawang articles of impeachment laban kay President Trump.

Ang impeachement ay may kaugnayan sa Ukraine. Inaakusahan kasi si US President Trump na pini-puwersa umano si Ukraine President Volodymyr Zelensky na imbestigahan ang ugnayan ng kampo ni former U.S. Vice-President Joe Biden at anak nito na si Hunter sa Ukrainian energy company Burisma. Si Joe ay maaari daw maging katapat ni Trump sa 2020 US Presidential Elections.

Ito ang ikatlong pagkakataon na may na-impeached sa kongreso ng Estado Unidos na Presidente.

Ang impeachment ay ipagpapatuloy sa US Senate kung saan mas maraming ka-alyado si President Trump.

Umalma naman ang ilang ka-alyado ni President Trump sa nangyari sa kanilang kongreso. Ayon sa mga ksangga ni President Trump, hindi naging patas ang pagtrato sa impeachment ni Trump.

“Pontius Pilate gave Jesus the opportunity to face his accusers. During that sham trial, Pontius Pilate afforded more rights to Jesus than the Democrats afforded this president and this process,” sabi ni Georgia Republican Barry Loudermilk.

“This is not about the Ukraine, it’s about power… Voters will never forget that Democrats have been triggered into impeaching the president, because they don’t like him, and they don’t like us,” ani Republican Matt Gaetz.

Kahit hindi maganda ang relasyon ni Pangulong Duterte sa Estados Unidos, maayos naman ang ugnayan nito kay US President Trump.

Source: NY Times | Philstar | Manila Bulletin | Reuters

Leave a Reply

Theme by Anders Norén