Local News

Panoorin: Presidential Spokesperson, Harapang Kinumpronta ang ABS-CBN Reporter!

Hindi nagustuhan ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang nangyari sa ulat ABS-CBN News Channel (ANC) patungkol sa reaksyon ng palasyo sa Bikoy videos.

“Joyce, bakit hindi mo ginamit ang statement ko sa Bikoy (videos). Nilabas niyo lahat ‘yun, except the statement from the Palace… Oh di malaman kung ano ang isasagot,” banat ni Panelo.

“Paulit-ulit sa ABS-CBN News Channel (ANC) pero wala ‘yung statement ng Palace on the Bikoy (videos),” dagdag pa ng tagapagsalita ng Presidente.

Nagpaliwanag naman si Joyce Balancio na isinama niya ang pahayag ni Panelo sa kanyang ulat sa TV Patrol. Pero agad itong kinontra ni Panelo at sinabing ang tinutukoy niya ay ang ulat mula sa ANC. Ayon kay Panelo, tungkulin daw ni Balancio na sabihin sa ANC ang naging pahayag ng MalacaƱang sa Bikoy videos. Pinagdududahan ngayon ni Panelo ang naging aksyon ni Balancio o baka daw hindi binigyang-pansin ng ANC ang ulat ng reporter.

“I think you neglected it (Palace’s statement) or perhaps ANC totally ignored your report,” resbak pa ni Panelo.

Hindi rin pinalagpas ni Panelo ang reporter ng GMA News na si Joseph Morong.

“Tagapagtanggol ng ABS-CBN si Joseph Morong,” banat ni Panelo kay Morong.

Source: Ang Malayang Pilipino via RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén