Local News

Presidential Spokesperson Harry Roque, Tinamaan ng COVID!

Inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpositibo siya sa COVID. Ayon sa kalihim, isinagawa ang testing matapos ang pagkikipagpulong niya kay Pangulong Rodrigo ROa Duterte.

“Positibo po ako para sa COVID-19. Nag-test po ako kahapon lamang dahil sa pagpupulong kay Presidente mamaya, at ngayon po lumabas na positibo… Sa akin pong close contact, kinakailangan niyo po mag-quarantine… Thank God I am asymptomatic. Wala akong nararamdaman. I was completely surprised and shock by the result. Magpapatuloy po ako ng press briefing, everything will be done remotely… I do hope hindi na po ito lalala itong aking pakiramdam,,” sabi ni Roque.

Nilinaw naman ni Roque na negatibo ang naging resulta ng kaniyang testing nooong Marso 10, isang arawbago siya magsagawa ng presscon sa Ilocos Norte.

Source: GMA News | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén