Local News

Pro-DU30 Lawyer “Puro kayo Protect the Bully! Wala kayong Palubag sa Biktima! Naririnig kayo ng Nasaktan!”

Hindi nakapagtimpi ang prominenteng pro-government lawyer na si Attorney Trixie Cruz-Angeles sa mga tila nagtatanggol sa basagulerong atenista na nag-viral dahil sa pambubugbog ng kamag-aral sa Ateneo Highscool. Ayon sa abogada, mas marami ng biktima ng bullying ang matatakot mag-sumbong dahil tila mas inaalala pa ang mga nanggigipit kaysa doon sa nabiktima.

“Oo bata yung bully. Bata rin ang biktima. Puro kayo protect the bully from online hate. Gets namin na menor de edad. Pero syanamankayo. Yung BIKTIMA naririnig kayo. Marami nang matatakot magreport ng bullying dahil lumalabas na mas mahalaga ngayon yun nanakit kaysa sa nasaktan,” sabi ni Angeles

Para kay Angeles,sumasawsaw lang ang ilang pulitiko sa isyu para magpa-cute. Tinawag niya pang dilawan ang pangangatwiran ng mga ito.

“Dilaw reasoning amfootah. Tigilan nyo na yung pa-cute statements kayong mga politikong sumasawsaw. Wala man lang kayong palubag sa BIKTIMA. You make me sick,” dagdag pa ni Angeles.

Walang pinangalanan si Atty. Angeles pero nitong mga nakaraang araw ay nagbigay ng pahayag sina Liberal Party Senator Kiko Pangilinan at si Senator Nancy Binay kaugnay sa natatatanggap na batikos ng Ateneo bully sa mga netizens. Ayon sa dalawang senador, hindi daw dapat i-bully ang bully.

“Bullying will continue to grow if we behave like bullies…. Shaming the bully is not the solution. Let’s strive to heal even the tormentors,” sabi ni Binay.

“Galit tayo sa isang bully at dapat lang pero sa galit natin ‘binubully’ naman natin siya sa Facebook? So kung ganun ano ang pinagkaiba natin sa kanya?… We should never, never become the monster we seek to defeat,” sabi naman ni Pangilinan.

Ito po ang ilang opinyon ng mga kababayan natin sa naging banat ni Atty. Angeles.

Source: Luminous | MB

Leave a Reply

Theme by Anders Norén