Local News

Pro-Duterte Pages, Mga Basura at Maligno! – De Lima

Kamakailan lang ay may mga lumutang na balita patungkol sa pagtanggal ng social media giant na Facebook sa mga pages at account na konektado umano sa militar at kapulisan.

Mayroon din daw mga account na tinanggal ang Facebook na mula sa ibang bansa na nagpapakita ng suporta kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa anak nito na si Mayor Sarah Duterte.

Para sa nakakulong na senador na si Leila De Lima, hindi na raw niya ikinagulat ang nangyari. Banat pa ni De Lima, basura daw ang laman ng mga Facebook pages ng mga supporters ni Pangulong Duterte Tinawag niya pang mga maligno at tiyanak ang mga ito.

“Hindi na ako nagulat na nagkalat na naman ang mga pekeng account at Pro-Duterte Facebook page na mga basura ang laman. Dahil kaya naman tatay ang tawag kay Duterte ay dahil siya ang bumubuhay sa mga pakawalang tiyanak at maligno diyan sa social media.”

Isa sa mga pages na tinanggal ng Facebook ay ang page ng mga magulang na nawalan ng anak dahil sa mga komunista. Narito po ang pahayag ni Ginang Relissa Lucena.

Source: News5 | Relissa Lucena

Leave a Reply

Theme by Anders Norén