Local News

‘Professor Joma, it is an HONOR to be with you!’ Kuwento ni Isko kay Misuari noong 2019

Noong 2019 ay binisita ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso upang batiin sa magandang nagagawa nito sa lungsod ng Maynila.

Ilan sa mga napa-usapan pa ng dalawa ay ang naging buhay rebolusyonaryo ni Misuari mula sa pagka-estudyante hanggang sa maging propersor sa University of the Philippines (UP).

Napag-usapan din ng dalawa si Communist Party of the Philippines (CPP) founder Joma Sison. Ayon kay Mayor Isko, isang karangalan daw na nakasama niya si Sison sa Netherland noong naging observer siya sa peace talks sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at ng mga komunista.

“Professor Joma, it is quite an honor to be with you because when I was in my elementary, I’m reading all about you and Mr. Misuari in my araling panlipunan. Now I am having lunch with you,” kuwento ni Mayor Isko kay MNLF Chair Misuari.

Para naman kay Misuari, gusto niya makausap si Sison para sabihan na magbago na.

“Instead of embroiling the country in a kind of problems, ngayon, we are changing our roles. Instead of war maker, troublemaker, peacemaker na kami… Joma, he should change his ways. I think one day I should go and talk to him. Masyadong ano siya eh, hindi nagpapalit ang kanilang isipan. It is not like that. I went to war for the sake of peace, pero the moment na nakita ko that there is a chance to change roles, I immediately grabbed it,” paliwanag ni Misuari.

Source: Isko Moreno Domagoso

Leave a Reply

Theme by Anders Norén