Local News

Panoorin: ‘Proud Kami na NPA ang Alumni namin’ – Leftist Youth Group Spokesperson

Isa sa nagpapag-uusapan sa social media pagdating sa isyu ng aktibismo ay ang pagiging breeding ground umano ng University of the Philippine (UP) ng New People’s Army (NPA). Ayon sa ilan natin kababayan, isa sa nangunguna sa paghihikayat ng mga kadre ng NPA ay ang mga student leftist organizations sa mga paaralan.

Ito ang dahilan kung bakit gusto ng mga tagapagpatupad ng batas na magtalaga ng mga kapulisan sa mga eskwelahan para mahinto ang mga ganitong gawain.

Ang mga usapin na ito ay agad binabansagang “military propaganda” ng mga student activists. Hangad lang daw nito na supilin ang kalayaan ng pamamahayag ng mga estudyante.

Pero sa isang video na kumalat kamakailan lang ay maririnig sa mismong bibig ni League of Filipino Student (LFS) Spokesperson Kara Taggaoa na pinagmamalaki nila na ang ilan sa kanilang mga alumni ay naging NPA.

“Sinabi niya (Duterte Youth Ronald Cardema) na sa amin nanggagaling ang maraming kabataan na nag-e-NPA. Una sa lahat, proud kami na ang aming mga alumni ay naging NPA,” sabi ni Taggaoa.

Ang pahayag na ito ni Taggaoa ay importanteng madokumento ng mga alagad ng batas dahil sa isyung kinakaharap ng isa pang leftist group na Anakbayan. Kamakailan lang ay humarap sa pagdinig ng senado ang ilang magulang para ibunyag ang nangyari sa kanilang mga anak matapos ma-recruit ng Anakbayan.

Emosyonal na nagsalaysay si Ginang Relissa Lucena sa senado nitong nagdaang mga araw upang ikuwento ang pagbabago sa ugali ng anak na si Alicia simula nang sumapi ito sa Anakbayan. Dumating pa sa punto na hindi na ito umuwi sa pamilya at mas pinili pa ang makakaliwang organisasyong kinabibilangan.

Kahapon, sa ikalawang senate hearing ukol sa mga nawawalang kabataan, nagsalita rin ang ilang dating NPA at pinatotohanan na ang ilang youth organizations sa mga paaralan nga ang pasimuno ng recruitment ng NPA.

Source: LFS video

Leave a Reply

Theme by Anders Norén