Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

‘Public University pero Di Pwede Pasukin ng PNP? Government Property yan’ Albayalde, Umalma!

Hindi nagustuhan ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde ang patakaran sa ilang eskuwelahan na kung saan tila ayaw papasukin ang mga alagad ng batas.

Banat ng hepe ng kapulisan, ang mga pampublikong paaralan ay pagmamay-ari ng gobyerno kaya dapat ay may karapatan ang mga pulis na pumasok sa mga ito.

“Some of these campuses, they don’t like uniformed personel. As if, mayroon silang autonomy. I already asked the good senator to review the memorandum of understanding o memorandum of agreement between Department of National Defense and University of the Philippines. This is a government property, a public property and yet hindi puwede pasukan ng ating law enforcers,” sabi ni Chief Albayalde.

Sinabi ito ni Albayalde, isang araw matapos ang pagdinig sa senado patungkol sa mga nawawalang estudyante na na-recruit ng makakaliwang grupong Anakbayan.

Kahapon sumalang ang mga magulang ng mga nawawalang estudyante para ilahad ang pagdurusang dinadanas nilan simula nang mawala ang kani-kanilang mga anak.

Banat ni PNP Chief Albayalde sa Anakbayan, imbes na sisihin ang otoridad, sagutin dapat ng Anakbayan ang mga akusasyon ng mga magulang ng mga kabataang nawawala.

“Ito ang sinasabi ko, bakit hindi nila sagutin ‘yung mga allegations o sinasabi ng mga magulang? Bakit kami ang sinasabi nila? Bakit kami ang may sala dito? Hindi po kami… Sagutin nila ‘yung mga magulang, hindi ‘yung sinasabi nila always in general, pakana na naman ito ng gobyerno, ng AFP (Armed Forces of the Philippines) at saka PNP… bakit di nila sagutin isa-isa ‘yung sinasabi ng mga magulang kahapon? ‘Yun ang challenge natin sa kanila, sagutin nila at sabihin nila nasaan ‘yung mga anak ng magulang na umiiyak at nagdadalamhati,” buwelta ni Albayalde.

Nangangamba rin si Albayalde na baka tuluyan nang sumama sa armadong pakikibaka ang mga nasabing estudyante at kung sakaling magkaroon ng engkuwentro ay baka isisi na naman sa kanila ng mga makakaliwang grupo ang mangyayari sa mga bata.

“Ang kinakatakot natin dito, baka ito ay nasa bundok na, baka madamay ito sa sinasabi na naman na sa engkwentro between AFP-PNP and the rebels… sasabihin na naman nila it’s a human rights violation,” resbak ni Albayalde.

Source: GMA News | News5 | News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén