Local News

Pulis, Binaril sa Ulo ng NPA sa Kasagsagan ng Human Rights Day!

Agad na nasawi ang isang pulis at bilanggo nang tambangan ang mga ito ng New Poeple’s Army (NPA) sa Barangay Logero, Marabut, Samar nitong kasagsagan ng Human Rights Day noong Huwebes.

Agad na binawian ng buhay si Cpl. Earl Hembra nang barilin ito sa ulo. Ang inmate naman na si Nestor Lumagpas Jr. ay nagtamo ng mga tama ng baril. Nadala pa sa pagamutan ang inmate pero namatay din.

Pabalik na sana si Hembra, kasama ang 2 pulis at si Lumagpas galing sa sa court hearing nang mangyari ang paghahasik ng lagim ng mga rebeldeng komunista. Tinamaan din ng landmine ang sinasakyan ng mga biktima.

Pinag-utos na ni Philippine national police (PNP) Chief Gen. Debold Sinas pursuit operation laban sa mga NPA.
Pinuna din ni Sinas, ang paggamit ng NPA ng landmine dahil ipinagbawal na ito sa mga armadong pakikibaka.

“We mourn the loss of another brother-in-arms, Cpl. Earl Hembra, who offered the supreme sacrifice in the service of our country and people. His death came while performing his duty as an officer of the law… The PNP joins the Filipino civil society in strongest condemnation of this latest manifestation of disregard for human life by the communist New People‚Äôs Army with its continued use of internationally-outlawed landmines to further propagate the communist cause to topple government and seize power thru terror and violence,” sabi ni Sinas.

Ang CPP-NPA ay tinuturing na terrorist organization ng United States, the European Union, the United Kingdom, Australia, Canada, New Zealand, at ng Philippines.

Source: PNA | Philstar | PNA

Leave a Reply

Theme by Anders Norén