Local News

Pulis, Pilit na Pinasipilyo ang Kaniyang ‘Uten’ sa GF ng Hinuli!

Lumapit sa mamamahayag na si Ben Tulfo ang isang babae na ginawan umano ng kahalayan ng isang pulis. Nakilala ang pulis na si PCpl Bryan De Jesus. Ang babae naman ay binigyan ng alyas na “Jane”.

Ayon sa biktimang si “Jane”, sapilitan daw siya at ang kaniyang kasintahan na dinala ng mga pulis sa presinto. Ito ay kahit wala daw maipakita ang mga ito na search warrant o arrest warrant. Tinakot pa raw siya na ikukulong kung hindi magbibigay ng 5,000.

Dito na daw nagbait-baitan si Cpcl. De Jesus. Kinausap umano nito ang opisyal sa kanilang presinto para huwag ikulong si Jane. Nag-alok pa ito na ihahatid si Jane pero laking gulat na lang ni Jane nang ipasubo ni De Jesus ang ari nito sa kaniya.

“Pero bago niya po ako naihatid, ipinasubo niya ang ari niya sa akin at pinatalsikan pa niya ako. Natakot po ako kasi mga pulis,” sabi ni Jane.

Paliwanag ng abogado na si Attorney Melanio Mauricio Jr, sari-saring kaso ang kakaharapin ng mga pulis. Pinayuhan din niya ang biktima na huwag matakot at tuluyan ang paghahain ng kaso laban sa mga tiwaling pulis.

“Puro mali at walang pagtupad sa batas ang ginawa ng pulis. Una, sa pagpasok sa kanilang bahay. Pangalawa, sa pagkuha ng mga gamit. Pagkatapos, yung pang-aabuso sa babae. Ang lahat ng iyan ay paglabag sa batas. Iyan ay panggagahasa na… Karumal-dumal na krimen ang nangyari sa magkasintahan na ito dahil may kasamang rape, anti-graft and corrupt practices act, illegal arrest, serious illegal detention… Pakiki-usapan natin si alyas “Jane” na kung magrereklamo kayo ay pangatawanan na ninyo. Huwag magpapa-areglo, huwag matatakot, huwag mangangamba,” sabi ni Atty. Mauricio.

Source: Bitag

Leave a Reply

Theme by Anders Norén