Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Panoorin: Pulis, Sumabit sa Umaandar na Tricycle para Habulin ang Drug Suspect na Driver

Tila mala-pelikula ang naging eksena sa isang anti-drug operation sa Dasmariñas, Cavite.

Ang naka-civilian na pulis na mang-aaresto sana sa isang drug suspect ay biglang napakapit sa umaandar na tricycle para habulin ang salarin. Ang suspect ay ang mismong nagmamaneho ng tricycle. Tinutukan na ng baril ng pulis ang suspek pero tuloy pa rin ito sa pagpapaandar ng tricycle. Makikita sa CCTV footage na tumalon ang suspek mula sa tricycle bago ito bumangga sa isang kotse. Kahit na nagkakandakaripas ang suspek sa pagtakbo ay nahabol pa rin ito ng iba pang pulis.

Kasama ng pulis sa operasyon ang isang asset at ilan pang pulis.

Kinilala ang mga durugista na sina Abdul Razak Munawara at Latif Maalim. Nakuha sa mga suspek ang bawal na gamot na may halagang P700,000.

Basahin ang naging reaksyon ng ilang kababayan natins a ginawa ng kapulisan para mahuli ang mga durugista.

“Dapat talaga sa ganyang mga pulis binibigyang parangal yung hinuhuli ung talagang may sala at akto. Ndi tulad ng ibang pulis para lang may accomplishments cla at maka quota kung cno2 na lang kinukuha,” sabi ni S. Sicnarf.

“Me Shabu pa rn Talaga Ingats PO mamang pulls SA mga pasaway! Wag na Sana humawak Ng Shabu PWEDE Naman Wag na ring gumamit tiis tiis Lang madadanay din Kayo Ng Wala! Magagaling Ang mga pulls na tumutugis SA Drugs related Dami na laging huli !Siksikan na SA kulungan gusto nyo ba don? Halluh! GOD BLESS ALL!,” sabi ni A. Ildefonso.

kung ako yung pulis binaril ko na agad eh.. positive eh tatakas.. ibig sabihin tlgang walang pagbabago at ADIK PARIN… pero saludo sa pulis.. buwis buhay at dun sa tumatakbo.. ang bilis mo tol.. lupet..” sabi ni F. Manzano.

“Mayor lani.bigyan nyo ng promote angv2 pulis napagaling ng dalawa.buwis buhay saludo ako sa mga pulis na ganito.mabuhay kayo 2 pulis,”sabi ni C. Nicdao.

Source: GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén