Local News

Pumalo na sa 1.5 Million ang Sumuko sa Anti-Drug Campaign ni PDU30

Ngayong mag tatalong taon na ang kampanya ng pamahalaan laban sa bawal ng gamot ay naglabas ang ating pambansang kapulisan ng datos tungkol sa kontrobersiyal na anti-drug campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base sa impormasyon ng Philippine National Police (PNP) na inilabas nito lang Martes, sa isinagawang 153,276 police operations, umabot na raw sa 1,530,574 na ang mga sumukong durugista, habang ang mga naaresto ay nasa 240,565. Ang mga nadedo naman ay pumalo sa 6,600.

Samantala, sa ulat ng New York-based Human Rights Watch, umabot daw ang mga natepok na durugista sa 12,000.

Ayon pa sa datos ng kapulisan, 12,177 na barangay mula sa 42,045 ang idineklara nang cleared sa ipinagbabawal na gamot.

“We are on track to significantly reduce, if not totally eliminate illegal drugs in the country. But more work needs to be done… We need to strengthen the families so that children will be protected and taught well. We need the schools and churches to impart knowledge and instill values. We need the local governments and barangays to synchronize and synergize all our drug prevention acts together,” sabi ni PNP spokesperson Bernard Banac.

Magugunitang may ilang lider ng mga bansa na gustong kopyahin ang laban ni Pangulong Duterte sa droga. Isa dito ay Sri Lanka‚Äôs president Maithripala Sirisena. Habang si Bangladesh’s prime minister Sheikh Hasin ay nagsagawa na din ng kampanya kontra-droga.

“The war against crime and drugs carried out by you (Duterte) is an example to the whole world, and personally to me… Drug menace is rampant in my country and I feel that we should follow your footsteps to control this hazard,” pahayag ni Sri Lankan President Sirisena nitong mga nagdaang buwan.

Source: ABS-CBN | Inquirer via Press Reader | The Guardian | GMA News

Leave a Reply

Theme by Anders Norén