Local News

Pumalo na sa 17 Airport Projects ang Natapos sa Ilalim ng DU30 Govt, ayon sa DOTr!

Malugod na ibinahagi ng Department of Transportation (DOTr) ang mga natapos na airport projects sa ilalim ng tatlong taong pamamahala ng Duterte Administration.

Ayon sa social media post ng ahensiya, umabot na raw sa 17 na mga proyekto ang natapos habang 28 pa ang kasalukuyang ginagawa.

Sa unang kalahating termino ni Pangulong Rodrigo Duterte, dalawang international airport ang nagawa. Ito ay ang Bohol-Panglao International Airport, ang kauna-unahang eco-airport ng Pilipinas, at ang pangalawa naman ay ang Lal-Lo International Airport sa Cagayan.

Napalawak din ng gobyerno ang Passenger Terminal Building (PTB) ng Puerto Princesa Airport. Pinalawig din ang runway ng naturang paliparan para makatanggap ng mga malalaking sasakyang panghimpapawid.

Nabigyan naman ng bagong pasilidad ang Ormoc airport at nai-ayos dina ng PTB at runway nito.

Nabiyayaan din ng mga infrestructure developments ang mga domestic airports sa Siargao, Camiguin, Catarman, Tacloban, Busuanga, San Vicente, Tuguegarao, Marinduque at Virac.

Patuloy din daw ang rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ilan sa mga ginagawa ay ang papapalawak sa departure check-in hall at arrival baggage area. Binabago na rin daw ang air-conditiong system ng paliparan. Pati ang mga power, lightings, fire protection, electronics and communications systems ay damay din sa pagpapaganda. Nagkaroon na rin ng mas mabuting flight information display system at bagong public address system ang airport.

Tuloy-tuloy pa din ang konstruksyon sa Clark International Airport (CRK) habang ang Sangley Airport sa Cavite ay 24/7 ang paggawa.

Magkakaroon din daw ng bidding sa pinapanukalang New Manila International Airport (NMIA) sa Bulacan.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, makakatulong sa pag-unlad ang mga paggawa ng mga transport hubs.

“Connectivity and mobility in transport are key components in socio-economic development. By building new airports and rehabilitating existing ones, the transportation sector contributes to both regional and national progress,” sabi ni Secretary Tugade.

Sinabi naman ni CAAP Director General Jim Sydiongco na asahan ang mas marami pang mga proyekto sa mga nalalabing taon ni pangulong Duterte.

“A number of airports we have rehabilitated were in a dismal state when we took over. We are proud of what we have already accomplished, but we know that we can do more. With the guidance of our hardworking Secretary Tugade, we will continue to build, build, build towards the ‘Golden Age of Infrastructure,” ani Sydiongco.

Source: DOTr

Leave a Reply

Theme by Anders Norén