Local News

Pumalo na sa 3 ang Positibong Kaso ng Coronavirus sa Pilipinas!

Umabot na sa tatlo ang kumpirmadong kaso ng 2019 novel coronavirus (nCOv) sa ating bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH), isang 60-anyos na babaeng tsino ang pinakahuling naitala sa listahan.

May 100 na katao na ang inoobsebahan ng kagawaran ng kalusugan na maaring may nCov.

Ang unang kumpirmadong kaso ng nCov ay inanunsyo ng pamahalaan nito lang Enero 30. Ito ay isang 38-anyos na Babaeng Tsino. Ang pagalawa namang kaso ay dineklara nong Pebrero 2. Ang pasyente ay kabiyak ng babae. Ang dalawa ay nanggaling sa Wuhan City, China, ang pinaniniwalaang pinagmulan ng nCov. Namatay ang lalaki dahil sa severe pneumonia.

Narito po ang istatistika kaugnay coronavirus.

Ito naman po ang press conference ng DOH.

Source: Inquirer | ABS-CBN | Manila Bulletin

Leave a Reply

Theme by Anders Norén