World News

Pumalo na sa 90,000 Tao ang may Coronavirus, ayon sa Chinese “Whistleblower” Nurse!

Isang video ngayong ang kumakalat sa internet at pati mga foreign media (The Sun, Dailymail at New york Post) ay ibinabalita na ito. Sa naturang video, isang babae na nagpakilalang nurse ang nagsasalita at sinabing sa Wuhan hospital siya nagtatrabaho. Mapapansin sa video na nakasuot pa ito ng full-body protextive suit.

Ayon sa nagpakilalang nurse, mas marami na daw ang nahawaan ng new coronavirus kumpara sa sinasabi ng Chinese government Pumalo na raw sa 90,000 katao na raw ang may sakit.

Nanawagan din ang nurse sa mga tao na magbigay ng donasyon na disposable goggles, masks at damit sa Wuhan City at sa mga ospital sa lugar.

“We don’t care what the government says. I will tell you through social media. Everyone, please donate masks, glasses and clothes to Wuhan… Please help us. Please donate disposable goggles, disposable masks and disposable clothing. Currently our resources are not enough,” sabi ng nagpakilalang nurse.

Inabisuhan niya rin ang mga taong makakapanood ng kanyang video na huwag ng lumabas.

“I’m in the area where the coronavirus started. I’m here to tell the truth… At this moment, Hubei province, including Wuhan area, even China, 90,000 people have been infected by coronavirus,” ayon sa nurse.

“Don’t party. Do not eat out. Once a year, we celebrate Chinese New Year. If you are safe now, you will be able to meet your family again healthy next year,” dagdag pa ng nurse.

Magugunita na isang araw bago lumabas ang video ng babae ay nagsalita si Chinese President Xi Jinping. Nagbabala si President Xi ng “grave situation” at inamin nito na mabilis daw na kumakalat ang sakit.

Ang coronavirus ay nakarating na sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Nagdeklara na ng travel ban ang lokal na otoridad sa Tsina upang malabanan ang pagkalat ng sakit.

Source: The Sun | New York Post | Epoch | Dailymail

Leave a Reply

Theme by Anders Norén