Local News

Pumalo sa P500 kada Piraso? Mga Abusadong Negosyante! Garapalan ang Taas Presyo sa N95 Mask!

Base sa ulat ng news outlet na Abante, pumalo na sa 500 piso kada piraso ang bentahan ng N95 mask. Ang naturang masakara ay mabisang panagalang sa hazardous particles mula sa abo na ibinubuga ng Bulkang Taal.

Ayon sa sumbong ng netizen na nagpakilalang “Angel”, bumili siya noong Enero 13 ng dalawang N95 mask na nagkakahalaga ng P1000 sa isang drug store sa Lipa, Batangas.

Kahapon ay kumalaat ang balita ng overpricing sa mga N95 mask. Nagbabala na ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga mapansamantalang negosyante.

“Huwag naman po natin gamitin ang panahon na ito para manamantala. Tandaan po natin, delikado po sa kalusugan nila ito… Ayaw ko pong makakita ng pasyenteng may asthma na itinakbo sa ospital dahil lang hindi siya makahanap o makabili ng mask,” sabi ni Vice Mayor Lacuna-Pangan.

Nagbanta naman si Manila Mayor Francisco “Isko MOreno” Domagoso na kakanselahin nila ang permit ng mga negosyong nananamantala sa kalamidad..

Hindi naman mag-aalinlangan ang Department of Trade and Industry (DTI) na magsampa ng kaukulang demanda laban sa mga mapang-abusong negosyante.

“It has been reported that some retailers have jacked-up their prices of face masks and gas masks, taking advantage of the surge in demand of these products due to the recent eruption of Taal Volcano… DTI will not hesitate to file administrative and criminal charges against unscrupulous business entities and individuals, who capitalize on the consumers’ urgent need for their own profit… Those found to have unreasonably increased their prices for gas masks, face masks and other similar items, which act is tantamount to profiteering, shall be dealt with to the fullest extent of the law,” sabi ng ahensiya.

Nagsalita na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nagho-hoard ng masakara. Ayon sa Pangulong Duterte, magbibigay siya ng direktiba para salakayin ang mga negosyong nagtatago ng maskara para tumaas ang presyo.

“I am not surprised. Kasi itong mga negosyenteng, if the demand is high then magkakaroon tayo ng medyo magulang then the prices will go up, or the worse thing they can do, if they have enough supplies and selling it to prohibitive prices already… Mura naman ‘yan. Do not hoard it. ‘Pag tinago niyo then I will be forced to order na pasukin ka,” babala ni Pangulong Duterte.

Source: Abante

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: