Local News

‘Punyets ka!’ DU30 Govt Official, Nabiktima ni Francis Leo Marcos?

Nitong ika-19 ng Mayo ay naging laman ng mga balita ang ‘pag aresto ng mga tauhan ng National Bureau of INvestigation (NBI) sa internet personality na si Norman Mangusin o mas kilala sa tawag na Francis Leo Marcos (FLM). Ang ‘pag aresto kay FLM ay may kaugnayan sa paglabag nito sa optometry law.

Si FLM ay nakilala dahil sa paandar nito sa social media na “Mayaman Challenge”. Nagpapakita din ito ng mga magagarang sasakyan at bahay. Kaya hindi mapigilan ng tagahanga ni FLM na umangal nang arestuhin ito ng otoridad.

Pero isang official mula sa Malacañang ang nagalak nang mahuli si Mangusin. Ayon kasi kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Unersecretary Benny Antiporda, inutangan daw siya ni Mangusin ng halagang P250,000 at kung hindi pa daw niya na-corner ay hindi pa raw magbabayad.

“HULI KA BALBON!!!ANONG MAYAMAN CHALLENGE ANG SINASABI MO? KUNG HINDI PA KITA NAHULI SA METROWALK DI MO BABAYARAN ANG P250K NA UTANG MO SA AKIN. PUNYETS NA CONMAN KA!!!” banat ni Antiporda.

Bukod sa violation of optometry law, nahaharap din si Mangusin sa kasong inciting to sedition at violation of passport law dahil sa pamemeke nito ng doumento.

“Pinadala na namin yung dokumento sa City Prosecutor’s ng Manila yung sa kaso na inciting to sedition tsaka yun dun sa Anti-Alias Law… Hinihintay na lang namin na papuntahin yung mga agents doon tsaka si Francis Leo Marcos… Ang totoong pangalan niya is Norman Mangusin… What is the truth? At the same time, in [violation of] the passport law, because if you falsified documents in procuring passport under a different name, that is not allowed,” sabi ni NBI-Cyber Crime Division (NBI-CCD) Chief Victor Lorenzo.

Mayroon din daw itong warrant of arrest sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.

Source: DENR Usec. Antiporda | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: