Local News

‘Purely Disgusting’ Angel Locsin, Matapos Magsalita ang Bagong Darna tungkol sa Hindi Pagsali sa ABS-CBN Rally!

Nagbigay ng reaksyon si ABS-CBN actress Angel Locsin matapos ipahayag ng bagong darna na si Jane De Leon ang rason kung bakit hindi siya sumama sa rally para suportahan ang prangkisa ng ABS-CBN.

Magugunita na binanatan ni Locsin ang mga kapwa niya artista na nanahimik patungkol sa isyu sa prangkisa ng Kapamilya network.

“Sa mga kasamahan kong artistang ‘di nagsasalita: Ano? May career pa ba kayo? Wala na, wala na kayong network. Kahit magpa-cute kayo d’yan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, ‘di n’yo nadadamayan ang mga katrabaho n’yo na dahilan kung bakit kayo sumikat!” boladas ni Locsin.

Para naman kay De Leon, hindi nasusukat ang suporta niya sa Kapamilya network sa pagsama sa rally sa kalsada, lalo na at nasa panahon tayo ng pandemiya. Isinasaalang-alang din daw niya ang mga health workers at mga mahal niya sa buhay.

“My support to the current crisis that the network is facing right now is not just measured by going out in the streets in this time of pandemic. Alam kong para sa nakakarami sa atin, masakit ang closure ng ABS-CBN. Nakikiisa at nakikisimpatya rin po ako sa mga kapwa ko Kapamilya na nawalan ng kabuhayan… However, let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with. Our health and that of our loved ones are at stake. As the COVID infection rate in our country continues to rise, hospitals and facilities are nearing, if not reached, full capacity,” sabi ni De Leon.

Bumoladas naman si Locsin matapos ang naging pahayag ni De Leon.

“No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless,” Angel wrote. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting,” patutsada ni Locsin.

Si Locsin ang gumanap ng Darna noong talent pa ito ng GMA7.

Source: Philstar

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: