Local News

‘Puro kayo Arte at kabig ng Pera’ Mga Artistang Bumatikos kay DU30, Niresbakan ni Catwalk King Sinon Loresca

Binuweletahan ni King of Catwalk Sinon Loresca ang mga artistang bumatikos sa naging ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa mga leftist group.

Magugunita na sinabi ni Pangulong Duterte na uutusan niya ang mga alagad ng batas na barilin ang mga leftist groups na gagawa ng gulo sa gitna ng coronavirus disease 2019 (covid-19) outbreak.

“Huwag ninyo akong takutin ng gulo-gulo kasi kung gusto talaga ninyo ng gulo, guguluhin natin ang bayan natin tutal wala pa namang pagkain. Kung gusto ninyo nung barilan, eh ‘di sige. Gusto ninyo ng pukpukan, sige. I will not hesitate… My orders are sa pulis pati military, pati mga barangay na pagka ginulo at nagkaroon ng okasyon na lumaban at ang buhay ninyo ay nalagay sa alanganin, shoot them dead. Naintindihan ninyo? Patay. Eh kaysa mag-gulo kayo diyan, eh ‘di ilibing ko na kayo. Ah ‘yung libing, akin ‘yan. Huwag ninyo subukan ang gobyerno kasi itong gobyerno na ito hindi inutil,” banta ni Pangulong Duterte sa mga leftist groups na nanggugulo.

Ayon kay Loresca, puro papapaganda at pera lang daw ang inaatupad ng mga artista.

“Magagaling lang kayo lumabas ng bahay pag may pino-promote kayo na pelikula niyo. Sa ibang artista iyan, ang gagaling niyong magbatikos sa gobyerno natin. Akala mo ay may naitulong. Puro kayo pagpapaganda, pag-arte, kabig lahat ng pera… Pag may pelikula. lahat ng mall sa Pilipinas, nandun sa mall para magpromote pero sa problema ng coronavirus, puro pa-cute, puro reklamo sa gobyerno,” banat ni Loresca.

Hindi rin pinalampas ni Loresca ang mga netizens na puna ng puna sa Duterte Administration.

“Puro kayo bash. Kayo ang bida, kayo ang magaling…. Mali eh. Dapat matuto kayong rumispeto sa gobyerno. Lahat tayo nahihirapan dahil sa lockdown… Si Duterte ay napakagaling na Presidente. Maling bansa lang ang pinamunuan niya kasi lahat puro pabida, puro kayo ang tama,” ani Loresca.

Source: Sinon Loresca

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: