Oops! It appears that you have disabled your Javascript. In order for you to see this page as it is meant to appear, we ask that you please re-enable your Javascript!

Local News

Pwede bang Mag-Maternity Leave ang Transwomen? – Sotto

Hindi pa talaga tapos si Senate President Vicente “Tito” Sotto sa pagpapahapyaw at pagbanat laban sa Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill o SOGIE Bill.

Sa kanyang social media account, tinanong ni Sotto kung magiging karapat-dapat ba ang mga transwomen na mag-apply ng matenity leave.

Ang maternity leave ay 105 na araw na paid leave na ibinibigay sa mga nanganak na ina para maalagaan ang kanilang bagong silang na sanggol.

“Can a man who feels he is a woman apply for maternity leave to be equal to biological women?” sabi ni Sotto sa kanyang Twitter account.

Sa hiwalay na pagkakataon, sinabi din ni Sotto na ang mga lalaki ay kailan man ay hindi magiging babae dahil walang kakayanan magbuntis o manganak.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth; you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights, and it’s giving transgender rights” saad ni Sotto.

Magugunita na sinabi din ni Sotto na walang pag-asa na pumasa sa senado ang SOGIE Bill.

Ang SOGIE Bill ay naging mainit na usapin nitong nakaraan buwan dahil sa insidente ng dumano’y “diskriminasyon” sa transgender na si Grethcen Diez. Maalala na pinagbawalan si Diez na gumamit ng palikuran ng babae sa isang mall ng janitress.

Nag-viral ang video ng kumprontasyon ni Diez at ng janitress na kinunan mismo ni Diez at ipinost sa kanyang social media account. Pero ayon kay Sotto, hindi nakunan sa naturang video ang nangyari bago ang kumprontasyon. Sabi ni Sotto, napanood daw niya ang kopya ng CCTV bago ang insidente at mayroon daw mga kababaihan na nagrereklamo sa presensiya ni Diez sa female toilet.

Source: Sotto’s Twitter account

Leave a Reply

Theme by Anders Norén