Local News

Pwedeng Isara natin ang PUP! Wala Akong Pakialam! – DU30

“Kayo diyan ‘yang pwede nating sarahan ‘yang PUP. Wala akong pakialam sa kanila. Go ahead,”

Ganito ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos matanong tungkol sa pag-vetoe sa ‘national polytechnic university’ status ng nasabing paaralan.

“I have serious reservations on the sustainability of the means chosen to attain this end… Its proposed designation as national polytechnic university needs to be reassessed in light of its current performance ranking among other SUCs… The comparative performance of its satellite campuses and extension programs needs to be similarly evaluated before granting the PUP system as a whole such a privileged status,” sabi ng Pangulo sa kanyang vetoe message.

Hinamon din ng Punong Ehekutibo ang mga mag-aaral sa naturang unibersidad na subukang sumali sa mga komunistang grupo, mag-armas at lumaban sa gobyerno. Banta ng Presidente, ipapa-hunting niya raw sa mga alagad ng batas ang mga estudyanteng sasali sa armadong pakikibaka.

“Go and look for firearms. You want to go to the mountains, demand, extort food? Go ahead. If you have hatred, that is not the fault of the government, that’s the fault of your parents. I ordered my police and military to go after you, dead or alive,” resbak ng Presidente.

Ang PUP ay makailang ulit nabanggit sa pagdinig sa senado kaugnay sa recruitment na ginagawa ng mga makakaliwang grupo sa loob ng mga eskwelahan. Ayon sa mga magulang ng mga “nawawalang” kabataan, nagsimula raw “mawala” sa kanilang piling ang mga anak nila nang sumali ang mga ito sa leftist group na Anakbayan.

Nang dahil sa isyu ng mga nare-recruit na kabataan sa NPA, iminungkahi na magkaroon ng presensiya ng mga kapulisan sa loob ng mga unibersidad o paaralan. Inilulutang din ang pagpapanumbalik ng anti-subversion law, ang batas na naglalayon na gawin krimen ang pagsali o pakikilahok sa mga organisasyon na konektado sa komunismo.

Source: CNN Philippines | ABS-CBN

Leave a Reply

Theme by Anders Norén