Local News

Pwedeng Patalsikin ng Amerika si DU30 at Ipalit si Leni, Boladas ni Joma Sison

Para sa nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Joma Sison, posible daw na patalsikin ng Estados Unidos si Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng mga impluwensiya sa puwersa ng kapulisan at kasundaluhan ng Pilipinas. Hindi pa nakuntento ang lider ng komunista at tinawag pang “traydor” ang Pangulo ng Pilipinas. Maari din daw na ipalit kay Duterte si Vice President Leni Robredo.

“Without firing a single shot, the US can easily instruct its following within the military and police forces under Duterte to take him into custody as a traitor and to install vice president Robredo as the constitutional successor,” boladas ni Sison.

Ayon kay Sison, hindi pa daw pinapatalsik ng Estados Unidos si Duterte dahil ginagamit pa raw ito ng banyagang bansa para supilin ang mga komunista at para mapalitan ang konstitusyon na magiging daan para magkaroon 100% foreign ownership sa mga negosyong may kinalaman sa pagsasamantala sa likas na yaman ng bansa. Inakusahan din ni Sison na nasuhulan daw ng Tsina si President Duterte.

Hindi naman pinalagpas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga patutsada ni Sison. Ayon sa sandatahan lakas, nabaliw na raw ang matanda at inalisan na raw ng alaala.

“This coward has gone insane. He is already muttering words of an old man whose memory has abandoned him. Come back to the Philippines and face reality,” resbak ni AFP public affairs chief Colonel Noel Detoyato.

May banat din kay Sison ang tagapagsalita ni pangulong Duterte na si Secretary Salvador Panelo. Ayon kay Spokesperson Panelo, palpak na rebolusiyonaryo si Sison.

“That’s wishful thnking coming from a tired, old, failed revolutionary. He has to wake up from a half century of sleep. It is pitiful that this man has to rely on foreign country to effect a change of leadershiop in this country. It is an admission, in fact, that their revolutionaion has failed,” buwelta ni Panelo kay Sison.

Source: ABS-CBN | GMA News | News5 | RTVM

Leave a Reply

Theme by Anders Norén