Local News

QC Mayor Joy Belmonte, Pinagpapaliwanag ng NBI!

Hinihingi ng National Bureau of Investigation (NBI) ang paliwanag ni Quzon City Mayor Joy Belmonte sa nangyari protesta kahapon sa kaniyang syudad ukol sa diumano’y hindi pagbibigay ng relief goods ng pamahalaan lokal.

Iniimbestigahan naman na ng NBI si Senador Koko Pimentel dahil sa paglabag nito sa quarantine protocol nang samahan ang asawang manganganak sa ospital kahit na nakaranas na ng sintomas ng coronavirus disease 2019 (covid-19). Magugunita na kinundina ng Makati Medical Center ang ginawa ni Senador Pimentel at aminado din ang Department of Health na lumabag nga sa protocol ang senador. May isa nang private lawyers ang nagkakasa ng kaso laban kay Senador Pimentel.

Isa pang opisyal ng pamahalaan na pinagpapaliwanag ng NBI ay si Pasig Mayor Vico Sotto. Ito ay kaugnay sa psobleng paglabag nito sa Bayanihan to Heal as One Act. Ayon sa ahensiya, pinadalhan na ng ahensiya ng liham ang Punong Lungsod upang pagpaliwanagin.

“For LGU officials for disobeying national government policies or directives in imposing qurantines under the Bayanihan to Heal As One Act,” paliwanag ni NBI Spokesperson Lavin.

Matatandaang tinutukan ng media si Mayor Vico nang magreklamo ito sa national government upang hayaan ang mga tricycles sa kanyang syudad na bumiyahe kahit na may pinapatupad na community quarantine.

“Sana makita po ng mga ginagalang nating lider na may perspektibo kami sa local government unit na maaaring ‘di nakikita mula sa mas mataas… I am not yet even considering the social and economic effects of prohibiting tricycles. We are talking about the potential damage to public health and a possible loss of lives,” ani Mayor Vico.

Ipinaliwanag naman ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na hindi maipapatupad ng maayos ang social distancing kungkung hahayaan ang mga tricycles na bumiyahe at magsakay ng pasahero.

Source: Daily Tribune | GMA News | CNN Philippines

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: