Local News

‘Quo Warranto’ para Kanselahin ang ABS-CBN Franchise, Inihain na ni Solicitor General Calida!

Kung dati ay ang mabagal na pag-usad ng pagdinig para sa legislative franchise lang ang pinoproblema ng ABS-CBN, ngayon ay madadagdagan ang kanilang sakit ng ulo dahil naghain na si Solicitor Genral Jose Calida ng “quo warranto” petition sa Korte Suprema para kanselahin ang prangkisa ng kumpanya.

Ayon sa petisyon ni Solicitor General Calida, nilabag ng ABS-CBN ang patakaran na inilatag ng kongreso.

“Rule 66 of the Rules of Court provides that the solicitor general can file a quo warranto (Latin for “by what authority”) against ‘a person who usurps, intrudes into, or unlawfully holds or exercises a public office, position or franchise.'”ayon sa ulat ng Philippine Star.

Magugunita na isa si Calida sa nanguna sa pagpapatalsik kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno noong 2018 sa pamamagitan ng “quo warranto”.

Ilang beses na rin nagbanta si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na haharangin niya ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN. Ilan sa mga rason ng Pangulo ay ang hindi pagpapalabas ng kanyang campaign ads kahit na tinanggap diumano ng network ang kanyang bayad. Inalmahan din ng Presidente ang pagpapalabas ng ABS-CBN ng “black propaganda” ni former senator Antonio Trillanes kung saan gumamit ng mga bata para magsalita laban sa kaniyang kandidatura.

“Ang inyong franchise mag-end next year [Your franchise will end next year]. If you are expecting na ma-renew ‘yan [a renewal], I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out… Ang ABS-CBN, ‘yung bunganga ng inyong interes, they protect you…Kayo ngayon, mag-renew kayo ng contract? Ilan kayong mga senador ngayon na nagbayad sa inyo na hindi ninyo pinalabas yung kanila?… Unang nilabas ninyo ‘yung kay Trillanes ‘yung using the children of a propaganda…. Tinanggap ninyo ang ₱2 million ko, ni wala…Hindi lang ako ‘yung na-ganoon, Chiz Escudero, marami. Lahat sa Congress,” buwelta ni Pangulong Duterte noong Disyembre 2019.

Ang prangkisa ng ABS-CBN ay mapapaso na sa huling bahagi ng Marso ngayong taon.

Source: CNN Philippines | ABS-CBN | Philippine Star

Leave a Reply

Theme by Anders Norén