Local News

Radio Host, Binunyag ang Kasinungalingan ni Grace Poe Laban sa DU30 Govt!

Hindi nakaligtas sa radio host at blogger na si Mark Lopez ang pinakahuling pahayag ni Senadora Grace Poe laban sa Department of Transportation (DOTr).

Itong Hulyo 11, lumabas sa ulat ng GMA News na tila sinisisi ng senadora ang DOTr kaya napurnada ang emergency powers na dapat ibibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa senadora, hindi daw nagpasa ng listahan ng proyekto na sakop ng emergency powers ang ahensiya.

“We were all for passing the bill last Congress, if not for the failure of the DOTr to submit to us the list of projects that will be covered by the grant of powers,” sabi ni Poe ngayong 2019.

Dahil sa pahayag ng senadora, ipinakita ni Lopez ang isang artikulo mula sa Inquirer kung saan nakasad na si Senadora Poe pa mismo ang nagsabi na nagpasa ang DOTr ng detalyadong plano at listahan ng mga proyekto na sakop ng emergency powers na hinihiling ng ehekutibo.

“The Department of Transportation has finally submitted to the Senate its detailed plan of actions, including the list of projects that the government would implement to address the traffic crisis in the country under the emergency powers that they want Congress to grant to President Rodrigo Duterte.

Copies of a 64-page list of projects and a draft bill from the DOTr were released to the media on Monday by the office of Senator Grace Poe, who is presiding over the hearing on the proposed emergency powers as chair of the Senate committee on public services.” sabi sa ulat ng Inquirer noong 2016.

Nakatikim tuloy ng banat si Poe sa radio host dahil sa kontra-kontra nitong pahayag patungkol sa emergency powers. Sa social media post ni Lopez, tinawag nitong sinungaling at mapanlinlang ang senadora.

“Dear Grace Poe,

Madam, hindi naman ho kasi ma re resolve ang problema sa traffic kung lagi nyo kasi dadaanin sa puro press release at pa cute sa media at the expense of the executive department.

Gaya po ngayon, bumanat na naman kayo sa media at gusto nyo palabasin na hindi nag comply ang Department of Transportation – Philippines sa requirement na hinihingi nyo list of projects para sa emergency power bill.

Eh lumalabas na nuknukan kayo ng SINUNGALING AT MAPANLINLANG kasi sarili nyo ding opisina ang nagpatunay na 3 YEARS AGO PA, NAG SUBMIT NA ANG DOTr ng said list.

Either napaka incompetent nyo talaga o gusto nyo lang manloko ng taumbayan at pagtakpan ang inyong kapabayaan.

Nakaka dismaya at nakakagalit ang inyong pagiging TRAPOE!

Wala kang kwentang senador!” banat ni Lopez.

Habang sinusulat ang blog post na ito ay umabot na sa libo-libo ang nagbigay ng reaksyon sa post ni Lopez. Pumalo na rinsa lagpas tatlong libo ang nagbahagi nito.

Source: Mark Lopez | GMA News | Inquirer

Leave a Reply

Theme by Anders Norén