Local News

Tulfo, Niresbakan ang Nagkaso sa kanya ng Bigamy!

Isang babaeng nagpapakilalang asawa umano ni TV5 host at broadcaster na si Raffy Tulfo ang lumitaw kahapon para maghain ng kasong bigamy laban sa mamamahayag sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nakilala ang nagrereklamo na si Julieta Nacpil Licup. Ayon kay Licup, nagpakasal daw sila ni Tulfo noong dekada otsenta (October 25, 1982) pero noong January 20, 1995 daw ay nagpakasal ang kanyang asawa kay Jocelyn Pua.

Sabi ng abogado ni Licup na si Attorney Lifrendo Gonzales, umiiral pa rin umano ang kasal ni Tulfo at Licup noong nagpakasal ang broadcaster kay Pua.

“The bigamy case against Raffy Tulfo has been filed at the Quezon City Department of Justice… Bigamy happens if you enter into another marriage with another person while your first marriage is still subsisting without acquiring a judicial declaration declaring the said first marriage null and void or through annulment… In this case, there was no annulment, there was no nullity of marriage. So at the time that Mr. Raffy Tulfo entered into a second marriage, his first marriage is still subsisting,” paliwanag ni Atty. Gonzales.

Hindi naman nagsayang ng panahon si Tulfo at sinagot agad ang kasong inihain laban sa kanya ni Licup.

Binunyag ni Tulfo na pinalabas umano ni Licup na patay na siya para makapagpakasal sa banyaga na si Arthur Joesph Pearson. Ito daw ay nangyari noong panahon na nahihikaso siya bilang mamamahayag.

Dahil sa ginawa umano ni Licup, nagkaroon umano ang dalawang panig ng pagkakaunawan na wala ng pakialamanan sa buhay.

Ngayong taon ay biglang nakipagkita si Licup kay Tulfo at nanghihingi umano ng P25 million. Isa pa daw sa demand ni Licup ay dapat magbigay si Tulfo ng kalahati ng suweldo nito buwan-buwan. At kung hindi daw tutupad si Tulfo ay ipapahiya niya raw ang broadcaster. Ayon kay Tulfo, tinanggihan niya ang umano’y “pangingikil” ni Licup.

Ilang araw daw ang lumipas matapos ang kanilang pagkikita ay nagpadala ang kampo ni Licup ng demand letter na ngayo’y nanghihingi naman ng P100 million kay Tulfo.

“Sa mga tao po na nakakakilala sa akin, lalo na sa aking mga followers, Hindi po ako madamot na tao. Pero hindi po ako kumukunsinti sa anumang uri ng blackmail at extortion. Ito po ay plain and simple extortion. Gusto niyang mag-extort ng pera para gumanda ang buhay nilang mag-asawa,” resbak ni Tulfo.

Source:
Raffy Tulfo in Action
| News5

Leave a Reply

Theme by Anders Norén