Local News

Raffy, Umalma sa Pagdamay sa ibang Tulfo sa Isyu kay Erwin!

Hindi nagustuhan ni TV5 host Raffy Tulfo ang ginagawa ng ilang grupo sa isyung kinakasangkutan ng kanyang kapatid na si Erwin Tulfo sa labis na pagpuna kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Inalmahan ni Raffy ang pagdamay sa kanya at ilan niyang kapatid sa nangyari kay Erwin.

“Sana next time, kapag may nangyayaring problema, it hurts, hindi ko naman kasalanan kung apilyedo ko ay Tulfo, na kapag kasalanan ng isang kapatid namin, dinadamay lahat. Bakit ganun? Kung may kasalanan ang isa sa kapatid namin, sana ‘yung walang kasalanan ay ‘wag idadamay. Hindi ata tama iyon. Each time na mayroon isang kapatid namin na nagkakasala, palaging nadadamay ang mga walang kasalanan. Marami ng beses nangyari ito,” sabi ni Raffy.

Nanahimik na noon si Raffy pero hindi na daw niya mapapalampas ang ginagawa ngayon ng ilang tao. Hindi na pinangalanan ni Raffy ang mga gusto niyang patungkulan ng mensahe.

Magugunita na pinatanggal ang mga security escorts ng mga magkakapatid na Tulfo matapos ang sobrang pagpuna ni Erwin kay Bautista.

Humihingi naman si Raffy ng kapatawaran kay Secretary Bautista at gayun din sa pamilya nito. Nagpasalamat naman siya kay Erwin dahil sa pag-amin sa kamalian at paghingi rin ng paumanhin sa kalihim ng DSWD.

Source: Raffy Tulfo in Action

Leave a Reply

Theme by Anders Norén