Local News

‘Ralax lang! Next Year, Ipakukulong na Kita!’ Trillanes, May Banta kay PDU30!

May bagong pagbabanta ang dating rebelde at dating senador na si Antonio Trillanes. Ayon dito, dapat pagka-abalahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang programa sa bakuna dahil sa susunod na taon na daw nila ipapakulong ang Presidente.

“Kitng kita ang takot sa mga pananalita ni Duterte. Relax lang siya. Tutukan lang niya ang vaccine rollout. Next year pa naman namin siya ipapakulong,” boladas ni Trillanes.

Sinabi ito ni Trillanes, matapos magbabala si Pangulong Duterte sa mga Pilipino tungkol posibleng pagtakbo ni Trillanes sa susunod na eleksyon. Inungkat din ni Pangulong Duterte sa ginawa sa kaniyang 16-anyos na anak na si Kitty.

Magugunita na isa si Kitty sa mga isinangkot sa malisyosong “Ang Totoo Narcolist” video series. Sa nasabing video, pinaratangan ang mga kaanak at kaibigan ni Pangulong Duterte na sangkot sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot. Isa sa mga idinawit ay si Kitty. Kalaunan ay lumitaw ang lalaking nagsasalita sa video at itinuro si Trillanes na isa sa mga may pakana ng video.

“Naaawa ako sa anak ko. Ang politika dito ay kababuyan. Si Trillanes, pati ang anak ko na 16 years old. Ginawa pang drug lord. Be careful of Trillanes, magbantay kayo! He will sell you to the devil ‘pag yan ang nakaupo, patay! Ako sabi ko sa mga Pilipino ‘pag yan ang naging opisyal ninyo, walang hiya iyan,” banat ni Pangulong Duterte.

Source: News5 | Inq

Leave a Reply

Theme by Anders Norén