Local News

Ramos, Nag-Warning kay DU30! “Government Gave Its Word in Water Deals!”

“These are the pillars that hold together any agreement, be it between governments and/or the government and the private sector. Our word must be our bond,”

Ayon sa pahayagang Inquirer, ito daw ang naging “cautionary note” o warning ni dating Presidente Fidel Valdez Ramos kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ang babala daw na ito ay nakasaad sa kopya ng liham ni Ramos kay Pangulong Duterte na nakuha ng Inquirer.

Pinatotohanan din daw ni Ramos ang integridad ng water concession agreements sa pagitan ng pamahalaan at ng water companies.

Magugunita na nitong simula ng Disyembre ay galit na nagsalita sa isang talumpati si Pangulong Duterte tungkol sa kontrata na inilarawan niya na “tagilid” para sa taumbayan at pamahalaan.

Pero para kay Ramos, ang concession agreements ay kinilala sa Asia. Dahil daw dito ay nagkaroon umano ang mga Pilipino sa Metro Manila ng maayos na supply ng tubig.

“The success of this agreement has brought about an infusion of capital to upgrade the infrastructure necessary to improve the efficiency and service coverage to the end users. In Metro Manila alone, more than 18 million Filipinos (from only 10 million in 1997) now have access to sustainable water supply… To achieve all this, the private sector mobilized funding from both foreign and local sources depending on the word of the Philippine government that the essential conditions of adherence to the sanctity of contracts and rule of law must be observed,” sabi ni Ramos.

Magugunita na pinagbantaan ni Pangulong Duterte ang Maynilad at Manila Water na kakasuhan niya ang mga ito ng “economic sabotage” at pag take over ng militar sa operasyon ng dalawang water concessionaires. Nanindigan din si Pangulong Duterte na hindi babayaran ng kanyang gobyerno ang P11 billion award na binigay sa mga water companies ng international arbitration tribunal ng Singapore.

Source: Inquirer | Archive

Leave a Reply

Theme by Anders Norén