Local News

Red Cross, Hindi Nagpasa ng Financial Report kay PDU30 Simula noong 2016!

Ibinunyag ni Presidential spokesperson Harry Roque na ilang taon ng hindi nagpapasa ng financial report ang Philippine Red Cross sa opisina ng Presidente kahit na naktakda ito sa batas.

“Para sa kaalaman ng lahat, simula 2016 ay wala pong sinumite ang PRC sa Presidente ng Pilipinas na annual report na naglaman ng kanilang mga gawain at nagpakita ng kanilang financial condition tulad ng pinag-uutos ng RA 10072, ,” sabi ni Roque.

Batay sa Philippine Red Cross Law, kailangan magsumite ng ulat ang PRC sa presidente kada isang taon.

“at the end of every calendar year, submit to the President of the Philippines an annual report containing its activities and showing its financial condition,” ayon sa batas.

Binanggit din ni Roque ang Article 9 sa konstitusyon kung saan nakasaad na may kapangyarihan ang Commission on Audit (COA) na busisiin ang gastusin ng mga non-government organization na nakatanggap ng ayuda sa gobyerno.

“COA shall have the power to examine on a post-audit basis all accounts pertaining to the expenditure or uses of funds by such non-governmental entities receiving subsidy or equity, directly or indirectly from or through the government”

Magugunita na binira ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Senador Dick Gordon dahil sa pag-iimbestiga nito sa pagbili ng gobyerno ng mga pandemic supply. Si Gordon ay chairman ng Philippine Red Cross. Dahil sa mga pinaggagawa ni Gordon sa senado, iginiit ni Pangulong Duterte na imbestigahan ng COA ang Red Cross.

Leave a Reply

Theme by Anders Norén

error: