Local News

Red-tagging, gagawing Krimen? Drilon, Naghain ng Panukalang Batas!

Naghain si Senate Minority Leader Frank Drilon ng panukalang batas na naglalayon na maparusahan ang magsasagawa ng red-tagging.

Base sa panukala, pwedeng makulong ng 10 taon at bawalan tumakbo sa anumong posisyon sa gobyerno ang mapapatunayan na nagkasala.

Ang red-tagging ay terminong ginagamit ng ilang personalidad tuwing ikinokonekta sila sa mga rebeldeng komunistang grupo tulad ng New People’s Army (NPA) at Communist Party of the Philippines (CPP).

Kamakailan ay naging bida sa mga balita si Lt. Gen. Antonio Parlade dahil sa isyu ng red-tagging.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte naman ay tahasang pinangalanan ang mga miyembro ng Makabayan Bloc na cadre ng CPP.

Source: Daily Tribune

Leave a Reply

Theme by Anders Norén